Friday, December 28, 2012

Day 28: dear someone

(Write a letter to someone you've never talked to in a long time.)

    almost four years na tayong hindi nagkikita at more than a year na walang communication. maraming means pero wala ni isa sa atin ang magreach out. nakakalungkot na umabot tyo sa ganito. alam ko marami ka pinagdaan habang wala ako pero it was never my intention na iwan ka sa ere.  nagkataon lang na i went through some tough times din.  mahirap, na hindi ko kayang maging isang mabuting kaibigan dahil sa mga pinagdadaanan ko.  hindi ko sinasabi ito para mag excuse. i admit na may pagkukulang ako.  nung makabawi ako, narealized ko na lang na blocked mo na pala ako sa facebook mo. nakakagulat at higit sa lahat masakit yun.
     nasaktan ako dahil mahalaga sa akin ang friendship natin.  sobrang mahaba ang pinagsamahan natin na mula pa noong college tayo.  everyday tayo magkasama sa klase at tambayan.  madalas tyo magkasama sa mga sleep overs, swimming, food trip, pagsimba, shopping at marami pang iba.  naalala ko na ginagawan mo ako ng assignment sa math pag absent ako. one time naman nagpalit tayo nag test papers para ipagdrawing kita ng network topology sa final exams natin.  marami tayong good crazy times. nakakamiss.
     alam kong matigas ka. hinding hindi ka mauna gumawa ng paraan at maari din na hindi mo na gusto makausap pa ako. minabuti kong tumahimik at wag muna mag reach out syo pero i am really hoping na someday makapag-usap din tyo and patch things up... someday. kung kelan ready na tyo.
     sa ngayon, i really wish you well.  sana mawala na rin ang galit mo sa akin at sa dalawa pa nating kaibigan.  nakakasad na baka hindi na ako ever makilala ni baby girl mo na tyo pang dalawa ang umisip ng name nya.  sana lagi kayong ok. God bless.


No comments:

Post a Comment