Wednesday, January 18, 2012

indecent proposal

6pm patay na oras sa office. nagbabasa ako ng blogs (as usual kung hindi naglalaro ng tetris battle). may narinig akong ingay sa showroom na nasa ground floor nitong building namin. bumaba ako para tignan. isang babae at lalaki ang nadatnan ko na tila naliligaw lang. mukha silang chinese. round face, chinky eyes, maputi at hindi matangkad. tama, chinese nga sila. naghahanap daw ng appartment si babae kaya napadpad sa showroom namin. sakto! naghahanap din ako ng appartment at hindi ko kayang magbayad ng studio flat. kelangan ko ng kashare. wala naman problema sa akin if ibang lahi ang kasama/kashare ko. mukha naman syang mabait at malinis sa paningin ko. katunayan maganda sya at mukhang desente naman. ang importante sa akin malapit lang dito sa office para makakatipid ako. parang naexcite naman sya sa posibilidad na magshare kami sa appartment. pero nang malaman nya kung magkano budget ko 700-1,000QR/month, parang nagdalawang isip sya. hehehe. haller syempre hindi naman ako magaalot ng budget na malaki pa sa living allowance ng family ko sa Pilipinas.
tumahimik sya na para bang nag iisip. ramdam ko, kinoconsider nya ang pagkakaron ng pinay na roommate dahil ayon na rin sa kanya minsan na sya nagkaron ng kashare na pinay medyo hindi lang ata pasok yung budget ko. hindi naman nakakagulat yun kasi may kamahalan na talaga kahit bedspace lang dito. ang nakakagulat ay yung sunod na sinabi nya. "how about if i help you with some money?" huh?! ano raw? ano yun pauutangin ba nya ako? hehehe... pwede daw nya ako tulungan kumita ng extra para meron ako pambayad sa bahay at pambili ng luho ko. wow, interesting! ayos! gusto ko talaga kumita ng extra. kahit bawal mag part time alam ko meron din ako pwede maging raket na hindi makakaapekto sa work ko. so, inurirat ko sya. hay laking pagkadismaya ko sa paraan na alam nya... ibubugaw pala nya ako.
namarn! kung magpoprosti din lang ako, sana noon pa. noong hindi ko alam pano tutustusan ng parents ko ang pag aaral ko. noong bata pa ako, sariwa at malakas. baka marami maging kostumer. haha... pambihira! at eto pa, sabi nya inuubos ko lang daw ang oras ko sa pagtatrabaho para sa maliit na kita. mas malaki kaya kita ko sa kanya dahil mas malaki ang aking mata! mag-isip daw ako. ako pa ngayon ang hindi nag iisip. sabihin na natin na lamang sya dahil may sariling restaurant na daw sya sa china pero di ko kaya ang diskarte nya. di ko sya pwede ijudge sa paraan nya or nila. meron tyo kanya kanya paniniwala, values at diskarte sa buhay.
nakakatawa lang ang encounter ko sa chinese na ito na nagpaumanhin naman nung kalmante kong ni-refuse ang offer nya. sana daw ay hindi nya ako naoffend sa pagiging straightforward nya.
di na kailangan ang maraming paliwanag at lecture bakit ko tinanggihan ang offer nya di ba? pampahaba lang naman yun...kelangan ko lang talaga maidokumento ang pangyayaring ito.

Wednesday, January 4, 2012

bago pa rin

4 days na ang nakalipas sa 2012 at eto pa lang ang una kong entry. asan na ang panagako ko na sisipagan ko na magblog ng kahit ano? sabagay wala naman apektado kung hindi ako magpost tulad ng hindi naman ako masyado apektado kung walang nagbabasa ng blog ko pero ikatutuwa ko kung meron. hehe... di ko rin alam kung kelan ako mas sinisipag magsulat. pag nababagot, nalulungkot o pag masaya? basta kung kelan lang maisipan.

halos lahat ay nakagawa na ng listahan ng new year's resolution. ako, nagmumuni muni pa rin. marami ako naiisip gawin at baguhin sa sarili ko kasama ang pagdarasal na sana mapangatawanan ko, this time. syempre hindi mawawala sa listahan ko ang pagpapapayat.

2011. maraming mga pangyayari. magaganda at masasalimuot na karanasan. eto ang pinakaemosyonal na taon para sa akin. homesickness ba o ganun talaga pag tumatanda na?  parang ang dami dami ko drama sa buhay. di naman ako mayaman pero meron ako nasagasaan. wow, para namang sobra ako sa kasamaan nun. di naman ako kagandahan pero meron pa rin ako nasaktan. O.A. lang...  ito ang taon na nakapagbakasyon ako sa Pilipinas matapos ang mahigit dalawang taon. naging masaya ako.  ang taon na apat na beses ako lumipat ng tirahan. kung nakakapagsalita lang ang mga gamit ko, malamang nagreklamo na sila sa pagod twing iimpake ko sila at iaayos muli. hay mga gamit ko, "sorry but we're moving again!"

walang malinaw na tinutungo ang post na ito. ipinagpapasalamat ko ang mga taong kasama ko sa nakaraang taon. ang aking pamilya at mga kaibigan. kayo pa rin ang gusto ko kasama sa 2012 at sa mga susunod pa.  lalo na ang kalovelife ko. hindi pa naman siguro huli para mafinalize ko ang aking list at pwede pa bumati ng happy new year!