Thursday, March 14, 2013

Takbo Takbo

       Sa karaniwang araw ng buhay ko tulad ngayon, syempre alam nyo na....  Gising. Soundtrip. Ligo. Pasok sa trabaho.  Mag check ng emails. Maglaro sa facebook.  Ordinaryo ang araw na ito na biglang binago ng isang mahinang tila pagsabog na tunog.  Dahil abala ako sa paglalaro, hindi ko pinansin hanggang sa maramdaman kong gusto ko uminom ng kape.  Kaya nagpunta ako sa pantry para magtimpla ng kape.  Papalapit pa lang ako sa may pinto para pindutin ang switch, naamoy ko na ang amoy sunog na goma.  Medyo kinabahan ako.  Ayaw gumana ng ilaw.  Confirmed.  Kuryente ang pinagmulan ng maliit na pagputok.  Problema.  Hindi ko matukoy san nanggagaling ang amoy dahil maliit lang ang lugar na iyon na napuno ng amoy sunog na goma.  Kumalma na lang ako ng maisip ko na automatic naman namamatay ang linya ng kuryente dahil sa circuit breaker?  Sinubukan ko pa rin kung gumagana ang ibang switch at swerteng ok naman yung switch kung san ako pwedeng magpainit ng tubig para sa aking kape.  Habang nag kakape nakatanggap ako ng tawag mula kay kuya, si kuya engineer na medyo matagal ko na ring kakilala dahil na rin sa trabaho.  Matapos ang usapan namin dahil sa trabaho, nabanggit ko sa kanya ang insidente.  Pinagtibay naman nya yung teorya ko na automatic mamatay linya ng kuryente dahil sa autoswitch off ng circuit breaker pero... bkit may pero pa?!!!  Pero may posibilidad din daw na nasusunog pa rin yung kable.  Binawi din naman nya baka naman hindi, sana naman hindi.  Mag isa lang ako dito.  Kelangan ko ng electrician ngayon din!

       Sa buong buhay ko lagi kong ipinakikita na matapang akong tao.  Iyakin pero matapang.  Sa maraming pagkakataon nagpapanggap akong matapang.  Sana din napapaniwala ko ang mga tao sa paligid ko na ganun nga.  Hindi naman ako yung tipo na go lang ng go... hindi dahil natatakot ako kundi nag iingat lang.  Magkaiba kasi ang matapang sa hindi nag iisip.  Ang pagpapakamatay ay hindi katapangan.  Dahil naaamoy ko pa ang sunog na goma may pag aalala akong naramdaman.  Hindi ako takot mamatay.  Alam ko na ang kamatayan ay isang bagay na hindi natin kontrolado pero sana Lord wag muna ngayon. hehe  Pano kung madeds ako dito?  Paano na ang mga taong kahit paano ay umaasa sa akin?  Takot ako hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga taong mahal ko.  Kahit hindi naman ako sigurado kung malaki ba ang magiging epekto ng kawalan ko.  Ayun ang fire exit!  Ang likot ng utak ko.  Malayo agad ang tinakbo pero ang katawan ko ay nandito nakaupo at dinodokumento ang kaduwagan ko.

     Totoo nga siguro nga kasama sa paglaki ang pagdagdag ng kinatatakutan sa buhay.  Malapit na pala birthday ko.

    Ano ba kinatatakutan nyo?

Wednesday, March 6, 2013

nakakafever

dahil ba sa init kanina kaya sumama pakiramdam ko?

wag kasi tigas ulo nakakasama ng pakiramdam.

summer na talaga.