Tuesday, December 17, 2013

day 2 simbang gabi: purple lips

whooooa after a long while, i'm back! back to... well, wasting internet space.  i've been thinking a lot lately.  this could be another turning point in my life and i'm feeling positive about it!  i mean, this is it pansit! eto yung right time.  things have been crazy these past few months but i wanna use it to my advantage.  i don't entertain negative thoughts.  and it's such a relief to be free from negative people.  sooo thankful to be supported by people who really matter to me.  God has blessed me with the best family and friends in the whole world!

that's it for now.  i can't go through all the details yet but i promise to post more about my new hmmm adventure that i've been planning during the holy mass. antok na.



next time ko na ipost yung vacation ko sa pinas (yes, natuloy yun!), story ni canada boy at yung short visit sa abu dhabi.

Saturday, June 15, 2013

kalaghatian ng buwan

whoa, june 15 na. two weeks na lang july na. sa mga panahong ito dapat excited na ako at nag kacountdown sabay ipopost sa facebook. sa mga panahong ito dapat nakaready na ang mga dadalhin ko pag uwi, mga pasalubong sa family at friends ko na matagal na naghihintay ng aking pag uwi.  though nasabi ko na sa mga lagi ko nakakausap kung ano ang situation, kahit ako hindi na rin sigurado sa status ng pag uwi ko.

i need a break!

wala pa ako kahit anong preparation.  walang ticket. walang pasalubong (meron pala konti). walang budget. walang exit permit. isa lang ang meron ako. pag-asa! ahahaha

makakapag-vacation ako, tiwala lang!

Wednesday, May 29, 2013

it's all about me now

pagod ako physically. as in nararamdaman kong masakit ang katawan ko at mahapdi ang mga mata ko.  pagod ako sa trabaho, gawaing bahay at gala.  

as much as possible ayoko muna mag isip ng kung anu ano. ayoko na ulet mastress ng dahil sa vacation na yan.  uwing uwi na ako kaya gusto ko mailagay sa ayos ang lahat bago ang target date ng vacation ko.  ah basta kelangan ko magpakabibo sa mga susunod na araw para matapos lahat ng worries at maging happy ang vacation ko.  sana lang makakuha agad ako ng pwede kong maging reliever.

kasama sa kapaguran ko lately ang sunud sunod kong pag abuso sa wallet ko. hindi para bumili ng mga pasalubong, kundi para bigyan ng reward and sarili ko.  mga maliliit na bagay lang naman sa ikinasasaya ng simpleng babaeng katulad ko.  hehe

kani kanina lang meron ako narealize... hindi pa ako ready.  tinalikuran/itinaboy ko ang isang posibilidad. bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya pero hindi panghihinayang.  gusto ko pa ang status ko ngayon... malaya. masaya.  marami siguro ang magtataas kilay pero yun ang totoo. hindi sa takot na akong magtiwala.  hindi sa takot na akong sumugal.  alam ko lang sa sarili ko na hindi pa nga ako handa at magiging unfair lang ako kung gagamitin ko ang ibang tao para lang maipakita na hindi ako nag iisa. basta...

ako muna!  :)


Monday, May 27, 2013

eto yun eh

napakapositive ko recently tapos biglang boom! di ako ungratetful just a little disappointed at palagay ko hindi ko yun naitago dahil kahit gaano ako kaplastic may mga times pa rin na transparent talaga ako.  tulad kanina talagang tumamlay ang pakiramdam ko.  kasalanan ko din kasi nag expect ako.  i gave my best kaya alam kong i deserve something great.  pero parang ang dating... i just did what was expected of me.  walang espesyal.  walang effort.  sakto lang.  sa kabilang banda dapat lang naman na ibigay ko ang lahat ng magagawa ko dahil yun ang tama at hindi ako dapat nag expect ng kapalit.  but then again, san papasok yung ginagawa ang best dahil merong goal na gustong maachieve?  pano ang hope na after ng mga hirap merong reward? diba ganun? kaya imposibleng hindi talaga mag expect... at yun nga hindi ko lang basta ginawa yung best ko, naachieved ko yung goal! i did it!

ayoko na lang magpakastress... bawi na lang next time.  eto na naman si hope! stay positive!

“You'll have less heartaches and disappointments if you stop seeking from others the things ONLY God and you can give yourself!” 
― Yvonne PierreThe Day My Soul Cried: A Memoir


#countyourblessings

Sunday, May 19, 2013

Birthday ni Idol

dear poks,

tumanda ka na naman ng isang taon. alam ko sasabihin mo matanda na rin ako pero ayos lang mas matanda ka pa rin sa akin hehe... kanina habang ginagawa ko ang pic collage naalala ko mga pinagsamahan natin ng mga poklays. mas nagfocus nga lang ako sa ating dalawa dahil syempre birthday mo at blog ko naman ito. haha  naalala ko kung pano kita sinimulang maging idol sa work at sa buhay pagdadalaga sa idad na 20. hahaha  araw araw tyo magkasama sa work, hanggang jeep pag uwi at pag gimik bago umuwi at minsan pati sa pagsimba pag sunday.  naghihintayan pa tayo ng text pag sunday kung sino magyaya gumala at magsisihan sa monday pag wala naunang mag text. parang tanga lang.  mula pagmamatakaw hanggang sa walang katapusan pagpupumilit na pumayat.

ilan sa mga bagay na ginagawa/ginawa natin noon:

-  manood ng sine, magshopping ng pambaon ni kyle at mga kung anik anik  sa waltermart
-  kumain at tumambay sa mcdo, waltermart naman para maiba
-  mag tami ann's or padi's point paminsan minsan
-  magpunta sa parlor twing sweldo para magpahot oil, trim or relax.  
-  magmukhang basang sisiw for 3 days dahil hindi makapagshampoo after magparelax treatment
-  magpalipas oras sa bahay ni mabel.  nagluluto si myth at nanonood naman tayo ng tv
-  tumambay sa bahay ni mafefe. food trip at red horse!
-  magswimming sa pansol at least 10 times a year ahahaha
-  icelebrate lahat ng birthday kasama na ang birthday ng alagang pusa ng kapitbahay ni myth
-  magsimba/magtirik kandila sa st.claire's monastery;
-  kumain ng ice cream ni mang domeng at calamares sa cabuyao town market at syempre mang iking's din
-  kumain sa tuding's porkchop
-  kumain ng pansit bihon at halohalo sa tatlong butas
-  makifiesta kina sir doc, ate vans, mabel at mang beloy  
-  umattend ng mga parties ng mga inaanak natin
-  bumili ng mais sa daan pauwi
-  kumain sa papu's siomai + zagu
-  magpakape sa pantry
-  maglunch at meryenda sa canteen 
puro pagkain? iba naman...
-  magbuhat ng kung ano anong bakal sa gym kasabay ng mga sampalok boys 
-  mag pasakit ng katawan, taebo twice a week 
-  dahil di effective... badminton naman! siguro kung uso na noon ang fun run baka tumakbo takbo rin tyo
-  tumambay sa qa office pag break time
-  magloan ng sabay sa SSS at pag-ibig tapos sabay din waldasin ang pera
-  magshopping twing mag aanak sa binyag at before mag xmas party
-  bumili ng magkaparehong shorts para sa swimming
-  bumili ng magkaparehong jacket para sa xmas party
-  sabay bumili ng cellphone
-  gumawa ng drama sa mga bf natin 
-  gumawa ng drama para makaabsent, magsakit sakitan ahahaha
-  magnovena sa mayapa every wednesday tapos kain ulet ng fries at shake sa likod ng simbahan
-  mag asaran sa buong pangalan MALAYA LANSANGAN GUTIERREZ
-  magkwentuah ng mga ex na nagpatiwakal at pumanaw na ahahahaha

hindi pa kasama dyan ang mga lugar at summer outings magkasama tayo like baguio, tagaytay, quezon, lobo batangas, laiya san juan batangas, cavite at iba pa. yung nagbike tayo sa san pablo circle epic un! 

kahit na kineclaim nyo ni poks liit na malakas influence ko (as in bad influence ako sa inyo), ikaw pa rin idol ko.  kaya nga minura ko yung nangsnatch ng phone mo.  at dahil idol mo din ako, ako ang gumawa at nagkeep ng password ng YM, friendster at chikka account mo. di ako sure if ako din gumawa ng facebook account mo. ako din dati nagchecheck emails mo tapos pinapabasa mo sa akin kahit kapampangan. hahaha



sarap alalahanin ng ipc days natin. kahit nung nakalipat na ako work tayo tayo pa rin magkasama afterwork.  sobra ko kayo namiss nung umalis ako kaya happy ako na maraming times pa rin tayong magkasama nung last vacation ko.  kelan kaya ulet tayo magkikita?  sundan kita dyan?  buti na lang talaga madalas pa rin tayo nagkakachat.

wag ka iiyak poks pero pinakamemorable sa akin yung "it's time to move on" moment natin with ate mariz. :(

namimiss ko ang walang katapusang kwentuhan natin at ang pagsubaybay sa lovelife ng isa't isa. syo ko lang nasasabi lahat lahat ng pag iinarte ko at wala ako pakialam kung nagsasawa ka sa kakadaldal ko. kahit ayaw mo gawin kitang idol at parang nagsisisi na rin ako na ikaw ang idol ko, wala ganun talaga eh! hahaha

ang haba na neto baka matapos ang bday mo na hindi mo pa nababasa ito ah!  basta mag iingat ka lagi.  wag pa ola ola.  konting tiis lang... God is good all the time.  may He bless you always... sana lagi ka happy at healthy.  you deserve all the best in the world!

miss da na ka! :) appy appy birthday! hay lab yu! mwaaah

mimiflo

p.s.

sa palagay ko never pa kita napasalamatan sa lahat. sa friendship, sa pakikinig sa endless rants ko, pagsuporta mo sa kalokohan ko, pagpapalakas ng loob ko at pagtawa sa akin pag nasusuka ako sa jeep buti na lang lagi ka may tissue sa bag na ninenok mo sa toilet ng restaurant or fastfood. ahahaha... thank you sa pagdamay sa pag iyak at pagtawa natin sa mga mababaw na dahilan at biglang nagiging ok ang lahat.  thank you sa pag allow mo sa akin na isiksik ko sarili ko sa kili kili mo sa twing magkatabi tayo matulog pag may mga overnights...pero aminin mo nilalamig ka rin. hehe. thank you idol!




Thursday, May 16, 2013

golden chain tree

kaninang umaga after kong buksan ang makatanggal balikat na roll up door ng garahe, di ko na napigilan sarili ko.  mabilis akong nagtatakbo patawid ng kalsada.  para saan?

picture picture bago pumasok sa work. :)


marami siguro hindi makakapaniwala na meron ganitong puno sa napakainit na bahaging ito ng mundo.  mismo ang boss ko naamazed ng malaman nyang meron nito sa doha. hehe  last year ko pa nakita at gustong pagtripan piktyuran ang punong ito na namumulaklak tuwing late spring. pero di ako nagkaron ng pagkakataon na malapitan man lang. ayokong tumawid sa kabilang side.  alam nyo na... sobra kasing mainit baka lalong masunog ang dati ko nang dark na balat bukod pa sa tamad talaga akong tao. hehe... sana kung DSLR ang camera ko with sobrang astig na lens para kahit malayuan pwede kaso cellphone nga lang ginagamit ko. asa pa! kaya gora ako kanina point and shoot! mabilisan lang at naghihintay mga kasabay ko pagpasok... haha

bukas maaga ako lalabas ng bahay dahil sisimba kami ni bakla (...pag maaga sya nagising) at ni lolo na galing bakasyon na miss ko na dahil manlilibre sya ng pizza at ice cream! :)  sana makunan ko ng mas maganda bago pa unti unting matuyo ang mga bulaklak.  bukas! yun eh pag hindi ako tinamad. ahahaha

meron ba neto sa Pilipinas?

sya nga pala napag alaman ko na bawat bahagi ng punong ito ay hindi pwedeng kainin dahil may lason. kay gandang lason naman. sayang di ko pwedeng igulay. boom!

gutom na talaga ako!

Monday, April 29, 2013

birthday ko

kahit hindi ko sabihin, halata naman siguro... masaya ako!

busy ako kanina at marami ako naaccomplish sa work.



isa isa ko nireplyan ang mga greetings sa fb wall ko.  salamat sa effort at sa mga wishes nyo.  damang dama ko naman na marami nagmamahal sa akin bukod pa ung mga nag PM, nag text at tumawag.
gusto ko sana pahabain ang post na ito pero inaantok na talaga ako.  napagod ako ng konti sa munting salu salo.

sarap maging ako. :)

Friday, April 26, 2013

speechless

gusto ko samantalahin ang pagkakataong ito habang hindi pa nag eexpire ang mga nasa isip ko kahapon, with only 3 hours of sleep at walang contact lenses medyo nahihirapan ako pero itutuloy at tatapusin ko ito.  nagpapaka jenna hamilton ako hehehe blog blog blog

sa totoo lang hanggang ngayon napapangiti pa rin talaga ako habang inaalala ang nangyari kahapon. never ko naman kc inexpect yun at gusto ko magspeech. haha!  natuwa ako, medyo kinilig at sobrang natouched.  pikit pa ang isang mata ko kahapon from my afternoon nap nang sabihin nya na may new blog post sya.  "sige send mo link, magtimpla lang ako kape" sabi ko pa.  pagbalik sa harap pc sinimulan ko basahin.  base sa title, parang alam ko na pasalamat sa lahat ng supporters nya. artistahin eh!  tapos ayun may special mention na name si _____... daya!  medyo nagtampo ako. joke! so tinuloy ko ang pagbabasa... ako? nasa blog nya?  wow first time! biggy sa akin yun! kahit blind item lang, alam ko ako yun! haha  blog ng pasasalamat sobrang big deal sa akin yun. diba?  alam mo rin kung sino ka. :)

minsan talaga ginugulat tyo ng buhay.  may mga bagay tyong ginagawa hoping na it would matter sa mga taong espesyal sa atin kahit parang hindi naman nila napapansin at minsan din meron tayong nagagawa kahit maliit na bagay na hindi natin alam na malaki pala para sa iba.  parang ganun ang istorya eh.  nagpaka ako lang naman ako. nakipagkwentuhan, nakipagkulitan, sumagot sa mga tanong, nagshare ng maisipan ishare, nagbasa ng kwento, nagkomento, nakipag asaran at nakipagtawanan. ganun lang normal na medyo abnormal lang. haha  di ko naman alam na maappreciate pero syempre sana naman naenjoy kasi nag eenjoy ako at sobrang nakatulong sa akin.  parang nagbalik ang dating ako.  makulit, masigla at mukhang tanga lang...  i mean, di kailangan magpaimpress... walang pagkukunwari.  komportable. tama! yun ang saktong word.

eto lang yan eh, sa lahat ng pagkakataon sinusubukan kong maging mabuting anak, kapatid, kaibigan... hindi para sa kanila yun kundi para sa akin dahil dun ako masaya.  kahit minsan wala ako maitulong basta andito lang ako palagi, tagapakinig at minsan pambwisit.  kahit minsan iba ang pagpapakita kong ng kabutihan :P basta sinusubukan ko lang naman!  kung maappreciate nila or hindi ok lang sa akin.

di mo lang alam, mas ako ang dapat magpasalamat syo... thank you!  sa mga oras na sana ay ikinaiinip at ikinababaliw ko, napapasaya mo ako... sa mga sharings natin na nagstimulate ng pareho nating malikot na utak... sa mga advices, teka may matino ka bang advice? oh sige move on tayo! hahaha

nagpapaligsahan ang hilik ng kapatid ko at ang ingay ng keypad ko.  walang pasok.  matutulog ulet ako.

bilang pagtatapos eto ang bago kong motto: ang sarap maging ako!

Sunday, April 7, 2013

smothering love

kahapon, matapos ko basahin ang blog post na may kinalaman sa break-up, bigla ko naisipang balikan ang mga lumang post ko na may kinalaman naman sa lovelife ko.  yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagblog.  para maidokumento ang mga pangyayari sa buhay ko na maaring makalimutan ko na sa future pero gusto ko pa rin alalahanin.  nakakatawa na parang kelan lang excited ako na pupunta sya dito. trying hard ako na maging isang mabuting gf.  alam mo yun? yung napakaraming nagbago.  nag adjust talaga ako.  naging masaya ako kahit minsan may mga bagay din na ikinalulungkot ko.  habang binabasa ko, syet! ganun ako magmahal?  ang galing ko mag inarte at ang bilis ko rin kiligin. napakababaw ko talaga. habang binabasa ko parang nagbabalik ako sa time na yun pati pakiramdam nagbalik din. at syet ulet! matagal na pala ako hindi masaya.  mahaba lang talaga ang aking pasensya dahil yun nga nagmahal ako eh.

minsan sumagi na rin sa isip ko, nabasa kaya nya lahat ang mga sinulat ko? natakot ba sya sa sobrang pagmamahal na ibinigay ko?  kasi para sa akin ganun lang yun eh oo or hindi. kung makipagcommit ka, commit 100%. hindi naman ibig sabihin nun mas mahal mo sya kesa sa sarili mo at kahit ganun nga, wala ako makitang masama dun.

ako, ginawa ko lang kung ano sa pakiramdam ko ang tama.

basta pag dumating na yung taong makakaappreciate sa akin, yung taong kaya akong mahalin, yung taong masaya na makita akong masaya... nako sasambahin ko talaga sya! ahahaha

nakakasakal? siguro... pero hindi nakakamatay.

Thursday, March 14, 2013

Takbo Takbo

       Sa karaniwang araw ng buhay ko tulad ngayon, syempre alam nyo na....  Gising. Soundtrip. Ligo. Pasok sa trabaho.  Mag check ng emails. Maglaro sa facebook.  Ordinaryo ang araw na ito na biglang binago ng isang mahinang tila pagsabog na tunog.  Dahil abala ako sa paglalaro, hindi ko pinansin hanggang sa maramdaman kong gusto ko uminom ng kape.  Kaya nagpunta ako sa pantry para magtimpla ng kape.  Papalapit pa lang ako sa may pinto para pindutin ang switch, naamoy ko na ang amoy sunog na goma.  Medyo kinabahan ako.  Ayaw gumana ng ilaw.  Confirmed.  Kuryente ang pinagmulan ng maliit na pagputok.  Problema.  Hindi ko matukoy san nanggagaling ang amoy dahil maliit lang ang lugar na iyon na napuno ng amoy sunog na goma.  Kumalma na lang ako ng maisip ko na automatic naman namamatay ang linya ng kuryente dahil sa circuit breaker?  Sinubukan ko pa rin kung gumagana ang ibang switch at swerteng ok naman yung switch kung san ako pwedeng magpainit ng tubig para sa aking kape.  Habang nag kakape nakatanggap ako ng tawag mula kay kuya, si kuya engineer na medyo matagal ko na ring kakilala dahil na rin sa trabaho.  Matapos ang usapan namin dahil sa trabaho, nabanggit ko sa kanya ang insidente.  Pinagtibay naman nya yung teorya ko na automatic mamatay linya ng kuryente dahil sa autoswitch off ng circuit breaker pero... bkit may pero pa?!!!  Pero may posibilidad din daw na nasusunog pa rin yung kable.  Binawi din naman nya baka naman hindi, sana naman hindi.  Mag isa lang ako dito.  Kelangan ko ng electrician ngayon din!

       Sa buong buhay ko lagi kong ipinakikita na matapang akong tao.  Iyakin pero matapang.  Sa maraming pagkakataon nagpapanggap akong matapang.  Sana din napapaniwala ko ang mga tao sa paligid ko na ganun nga.  Hindi naman ako yung tipo na go lang ng go... hindi dahil natatakot ako kundi nag iingat lang.  Magkaiba kasi ang matapang sa hindi nag iisip.  Ang pagpapakamatay ay hindi katapangan.  Dahil naaamoy ko pa ang sunog na goma may pag aalala akong naramdaman.  Hindi ako takot mamatay.  Alam ko na ang kamatayan ay isang bagay na hindi natin kontrolado pero sana Lord wag muna ngayon. hehe  Pano kung madeds ako dito?  Paano na ang mga taong kahit paano ay umaasa sa akin?  Takot ako hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga taong mahal ko.  Kahit hindi naman ako sigurado kung malaki ba ang magiging epekto ng kawalan ko.  Ayun ang fire exit!  Ang likot ng utak ko.  Malayo agad ang tinakbo pero ang katawan ko ay nandito nakaupo at dinodokumento ang kaduwagan ko.

     Totoo nga siguro nga kasama sa paglaki ang pagdagdag ng kinatatakutan sa buhay.  Malapit na pala birthday ko.

    Ano ba kinatatakutan nyo?

Wednesday, March 6, 2013

nakakafever

dahil ba sa init kanina kaya sumama pakiramdam ko?

wag kasi tigas ulo nakakasama ng pakiramdam.

summer na talaga.

Wednesday, February 27, 2013

push rewind

recently meron ako song na naka repeat mode for the day. few days back paulit ulit si bruno mars, pink, rhirhi, gabrielle aplin at emelie sande. sulit ang patience ko sa pagdownload kahit sobrang bagal ng internet namin.  kasama ito sa mga nadownload ko a few days ago.

 so this is for today:

ganda ng pasok ni diane birch dito. parang mas gusto ko keysa dun sa original nya.
gayun pa man feel na feel ko pareho! meron na naman akong banyo song. :)

alam ko na sasabihin ng iba... move on! oh please don't speak to me about moving on like it is something you can buy from the market or convenient store. hehe
i'm moving forward. relax lang. darating tayo dyan. :P

Monday, February 4, 2013

Bahala Kayo

Maybe some people know what I've been going through but I don't think they really understand.  The person who puts me into this predicament has no idea or probably just doesn't care.  I always seem to be happy, carefree, positive, patient, bitch and fierce. That's the personality I was able to create for me to hide my weakness and made myself also believed that I am.  Tough!  But I am not all that.  I am vulnerable too.  I'm not gonna deny that what happened or has been happening is breaking me into million pieces and it will probably take time to pick my self up again.  I'm trying my best.  I sometimes wish I could just escape from all of these or just snap out of what seem to be a nightmare. But this is reality happening right in front of me.  There's no escaping reality.  I'm dealing with it.  I'm falling apart but staying strong.  It might be ridiculous to even hope but if hoping is what will keep me going then yes people, I'm  hoping.

PS.
Pero kung ano yung hinohope ko, hindi ko sasabihin sa inyo.

Sunday, January 27, 2013

somebody that i used to know...

i was planning to send this on 25th of january to someone. i copied it from somewhere

another month
another year
another smile
another tear
another winter
& another summer too
but there can never be
another love than YOU!

but this one is more appropriate

i may not have given you what you expected of me
and i may not have shown you the love and trust you wanted...
i'm human, not perfect but inside this imperfections lies a heart
that loves you the best way it knows how...

i am not the author, but those words definitely express what i'm feeling

Saturday, January 26, 2013

Thursday, January 17, 2013

walang tama

wednesday 16th January 2013

hindi pala dapat nilalagay sa ref ang carrots. yan ang natutunan ko nitong mga nagdaang araw. hindi ito isang experiment kundi obserbasyon lang. eto ang kwento: isang carrot ang dinala ko sa opisina para gawing almusal nung sunday. hindi pa ako gutom kaya inilagay ko muna sa ref hanggang sa makalimutan ko na si carrot na tahimik sa loob ng ref ng hihintay na pansinin ko.  kahapon, tuesday, nakita ko ulet sya, medyo hindi na maganda ang balat kaya hindi ko kinain pero hindi ko rin tinapon at hinayaan ko lang sa loob ng ref.  kanina umaga sa wakas nakaramdam ako ng gutom after ng 2 days kong hindi pagkain ng maayos.  sakto! meron pa akong isang carrot, isang orange at milk bread sa food tray  ko. nagdesisyon akong si carrot na lang ang piliin at gawing almusal. swerte naman at sariwa pa rin ang hitsura ni carrot. walang pinagbago mula noong friday na binili ko sya sa carrefour.

katulad sa buhay natin may mga bagay na hindi natin dapat ilagay sa special na lalagyan para mapanatili ang natural state nito. may mga bagay na kahit iyong ingatan kusa itong nasisira or marahil hindi angkop ang paraang ginawa. minsan kasi gumagawa tayo ng mga desisyon na sa pananaw natin ay tama.  hanggang dumating ang realization na along the way meron kang nagawang mali. maliit man o malaking pagkakamali na nakakaapekto o tuluyang nakakapagpabago ng ating buhay.

di na maibabalik ang dati.  di magiging fresh ulet ang carrots na natuyo na... na ang tanging dahilan ay ang pag aakalang sa ref ang tama nitong kalagyan.

Sunday, January 13, 2013

cold weather

when i'm having pimple breakout for excessive puyat due to coffee. when it's almost impossible to hold a cold glass of water or cold soda can without my hand shaking. when i struggle to get out of bed in the morning and you're not here to cuddle.

Playlist
1. Warm Me Up - The Audition
2.  Put it to the Torch - Hatebreed
3.  Tourniquet - Evanescence
4.  More of You - Mozella
5.  What About Us - The Saturdays
6.  Give Me Love - Ed Sheeran
7.  Girl on Fire - Alicia Keys
8. Ghetto Baby - Cheryl

i miss your hugs.

Wednesday, January 9, 2013

pretend

you knew i'm gonna find out and when i do, it will hurt me... even break me but you did it anyway.

Sunday, January 6, 2013

tell me

how not to care?

please...