Tuesday, April 17, 2012

artistahin

minsan mas mabuting piliin ang tumahimik na lang kaysa magsabi ng saloobin sa isang tao sa pangamba na mapag isipan na nag iinarte ka. kahit na ang buong katotohanan ay nag iinarte naman talaga.  hindi ko alam kelan ko maiiwasan ang pag iinarte. ano ba magagawa ko eh maarte ako talaga. siguro nuong umulan ng kaartehan sa mundo, naligo ako at nagsahod ng drum para isave at magamit sa future.

naisip ko nga parang mas mabuti pang magkwento sa mga hindi kakilala. yung mga walang pakialam. yung makikinig lang kahit hindi naiintidihan at hindi makapagbigay ng opinion dahil hindi nga naintidihan ang pinag iinarte mo.  kung sakali mang magbigay ng opinion, pakiramdam mo wala syang pinapanigan dahil nagbase lang sya sa kwento at hindi sa pagkakilala nya s'yo or sa taong involved sa kwento.  yung hindi ka ijujudge kahit ano ikwento mo at kahit husgahan nya ang pagkatao mo at pagkatao ng mga character sa kwento ay ayos lang dahil hindi ka naman sure if makikita mo pa sya ulet sa buong buhay mo.  hindi naman yun sa pagkakalat ng baho mo sa buhay mo kundi purong pag sisiwalat lang ng nararamdaman... sa ibang tao. palagay ko, no harm yun. palagay ko rin, ayos lang yun kaysa makipag usap sa hangin, halaman, hayop or anumang bagay na parang baliw lang... malayo pa naman ako sa pagiging baliw. hanggat naisusulat ko dito kahit walang nakakabasa sa super personal blog ko outlet pa rin na matatawag ito.
p.s.
ang pag iinarte ay may pinanggagalingan. hindi ito kathang isip lang. madalas ito ay dahil sa matinding emosyon na nararamdaman. minsan din ito ay bunga ng kapraningan. manahimik na lang. tapos ang kwento!

Monday, April 9, 2012

mahirap pala ang next level

handa na ako. alam ko hindi magiging madali ang lahat. pero bilang optimistic at mapagpanggap na matapang na tao, sabi ko "kaya ko 'to!".  madami dami na rin ako pinagdaanan na pagsubok.  kelan ba ako sumuko?  nahaharap ako sa madaming pagbabago sa buhay ko ngayon at lahat ng ito ay niyayakap ko ng buong puso at lakas ng loob.
isang magandang panuntunan na natutunan ko mula sa isang kaibigan "hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan". may punto naman talaga ang daddy nya nang sinabi sa kanya yun. pano mo nga naman malalaman kung masarap ba o hindi ang isang pagkain kung hindi mo titikman? samantalang pwede mo naman wag na ulit kainin pag hindi mo nagustuhan.  pano mo malalaman na nakakahilo sumakay sa roller coaster kung hindi mo susubukan? pano mo malalaman na tama ka kung hindi mo naman alam kung ano ang mali? tulad din ng hindi mo lubos na mauuwaan ang salitang masaya kung hindi mo pa naranasang maging malungkot. 
punong puno na ng cliche ang post na ito.  iyan ay ilan lang sa mga realization mula sa mga pinagdadaanan ko.  hindi ko na rin alam ano ba ang pinupunto ko. gusto ko lang naman sabihin na sinusubukan kong maging mabuting tao. gusto ko ring magmature. wala naman ako hindi kayang gawin lalo pa't alam ko na may maganda itong patutunguhan. at ako rin ang makikinabang.  sino ba namang tao ang ayaw ng improvement? kahit na sa totoo lang mahirap tanggapin na meron kang kailangan baguhin sa pagkatao mo para sa mga pagbabagong gusto mong mangyari sa buhay mo. pero i'm all good! kaya ko 'to.  hindi sa lahat ng bagay ay applicable ang pagpapakatotoo.  kailangan din matutong mag adjust, makibagay... dahil hindi tayo pare pareho. (cliche.)
ganito pala ang next level.... 
p.s. sana maipasa ko na ang driving test sa wednesday.

Sunday, April 8, 2012

lumelevel up na talaga

sanay ako na ako ang inaalagaan. kahit mahirap lang kami feeling ko talaga pampered ako noong bata pa ako. sa totoo nyan sobra ata ako nabeybi dahil lola at tita ko ang nagpalaki sa akin kaya may katigasan ang ulo ko. gusto ko ako lagi ang nasusunod.  maipagmamalaki ko naman na kahit kelan hindi ako naging sakit ng ulo sa family ko kasi iniisip ko rin naman ang magiging effect or mararamdaman nila sa mga desisyon ko. at masaya ako.  though, hindi ako naliligaw ng landas (sa palagay ko) hindi rin naman malinaw  kung ano nga ba ang buhay na tinatahak ko. ang lalim. hehe
hanggang dumating ako sa point ng buhay ko na kelangan ko magdecide para sa sarili ko.  ako naman. isipin ko naman ang future ko. kung ano ang gusto ko mangyari sa buhay ko, sa hinaharap. kung ano makakapagpasaya sa akin. kung sino ang gusto ko makasama.
eto na nga yun. hindi ako sanay na may nanghihingi ng opinion or approval ko at the same time meron na ibang tao na dapat iconsider sa mga actions ko. hindi ko ito naranasan sa mga unang relationships ko. ang sarap pala ng feeling... yung meron ka aalagaan at mag aalaga rin syo. ibang level na talaga. ready na ako!