Saturday, December 22, 2012

Day 22: i am wearing what?

(a picture of what you wore today)

lazy day ang sabado para sa akin bilang ito ang unang araw ng work week sa dakong ito ng mundo. usual na suot ko lang ay denim jeans, t-shirt or polo shirt at sneakers or flats.  pormahang hindi pang career.  wala naman kasing dress code or uniform dito sa office namin kaya sa tingin ko ayos lang ang ganitong porma lalo pa at wala naman ang boss pag sabado bukod pa sa fact na arts ang industry ng company na pinagtatrabahuhan ko, so i think cool lang ang ganito.  sa totoo lang eto sana ang pagkakataon na magsuot ako ng fashionable or edgy or artist like na get up pero di nga ako ganun diba? may mga pagkakataon na nagsusuot ako ng corporate attire or business casual kadalasan pag may meeting sa labas or pag alam ko na may bisita kaming darating. hehe
with that saying, di na ako nagpictorial for this post kahit iyun ang hinihingi ng challenge. tinamad na naman kc ako mag ayos ng sarili ko.  may kinalaman din siguro ito sa biglang pagbabago ng mood ko kagabi at nadala ko pa rin kanina pag gising ko. kaya eto naka faded jeans pa rin ako, white cotton top, brown knitted cardigan at ang sobrang komportableng mustard loafer ko na binili ko nung red tag opening mga two weeks ago.
"i'm never gonna be good enough for you, am i?" :(

No comments:

Post a Comment