Wednesday, September 3, 2014

bigyang kulay

habang lahat busy sa fiba world cup na alam nyo naman na wala ako kinalaman sa basketball at wala ako magawa sa buhay, eto nagkulay ulet ako ng buhok. ombre!

medyo happy lang ako sa result. hindi yung tipong masayang masaya kasi wala akong color toner.  medyo orangy tuloy ang kinalabasan imbes na blonde.  pero this will do for now. uulitin ko na lang after a month. 

recently nag experiment ako sa sarili ko dahil wala nga ako magawa sa buhay. 1) make-up na hindi ko mapangatawanan kasi magastos at minsan sadyang nakakatamad.  2) hairstyling na maganda naman feedback from friends.  parang nagsawa na rin kasi ako sa pagpapayat. umiisip na lang ako ng ibang pwede ko pa gawin. tinatry ko pa rin pero hindi ko na pinepressure sarili.  i'm going green! green juice ang hapunan ko. nagbawas na rin ako ng rice intake. 1 rice meal a day na lang.  hmmm so far naachieve ko naman yung "no burgers for august" na goal ko.  sana kahit paano may epekto diba? hehe  

sa friday mag work-out daw kami sa corniche.  zumba.  try lang.  so bumili ako ng outfit na makulay only to find out na black pala ang theme this friday. come on! nasan ang fun kung walang kulay?
bakit hoodies?! sale 10QR (Php114.70 each.  :)  florie you're the best!