pagkabasa ko ng pm ni rea, “Flo wala na si tatay ni rhonz”,
natulala ako. bumangon ako sa
pagkakahiga at umupo. binasa ko ulet “Flo
wala na si tatay ni rhonz” hindi ako
naalimpungatan lang… tuluyan nawala ang antok ko. tinanong ko anong nangyari. habang wala syang reply, isa isang bumalik
ang mga alaala ni tatay ben. napaluha
ako. hindi ko kayang tumawag kay rhonz
nang mga sandaling iyon. hindi ko kayang
magbigay ng lakas ng loob habang umiiyak. hindi ko alam ano ang pwede kong sabihin sa kanya na hindi lalong ikadudurog
ng puso nya habang pinagdadaanan ang sakit ng nakakabiglang pagkawala ng itay
nya.
si tatay ben. mapagmahal na asawa kay Nanay Lina. mabuting ama sa kanyang mga anak at manugang. mapag arugang lolo sa kanyang mga apo. masayahin. makulit. maalalahanin. masarap magluto. 1996, college days ko sya
nakilala. madalas kaming magpractice ng sayaw sa bahay nila bilang kagrupo ko
ang anak nya, si rhonz, sa school
activities na nauwi sa pagkakaibigan. masasabi
kong malaki ang naging bahagi ni itay kung bakit magkakaibigan pa rin kami
hanggang ngayon. naging tambayan namin
ang bahay nila na laging bukas para sa amin hanggang makagraduate kami at magkaron ng trabaho. itinuring nya kaming parang mga tunay na anak. “ang aking si florie” ang tawag nya sa
akin. magutom na lahat wag lang “ang
aking si florie”, yun ang sinisiguro nya. mula sa pagsuporta nya noon sa mga gusto namin gawin at puntahan bilang mga
nagpupumilit maging grown ups at pagpapaalala na kelangan pa rin namin ang patnubay
ng aming mga magulang. alam kong proud
sya sa aming magkakaibigan kung paanong proud sya sa dalawang tunay nyang mga
anak.
hindi ko pa rin tinatawagan si rhonz. sa pag uusap namin sa chat naiiyak na ako.
hay mamimiss ko ang itay ben… ang mga paalala twing gagala
kaming magkakaibigan. ang mga handa nila ni nanay na pagkain twing dadating
kami. ang mga jokes nya. malalakas na
halakhak. ala eh! ang punto nyang hindi
maipagkakaila, di ga?
nakakalungkot na hindi kita makikita at maihatid sa huling hantungan. saludo ako sa iyo. salamat itay sa lahat. paalam.
+RIP tatay Ruben Terrenal