Saturday, September 22, 2012

kilig kind of happy

Di yun isang panaginip. Nagising ako. Bumangon at andun ka nakatayo sa harap ng aking pintuan. Kilig!


Wala man nakakaintindi sa akin, sa atin, di na mahalaga un.  Di ka nila kilala at hindi nila ako kilala. Kahit anong sabihin nila, tayo lang nakakaalam ng katotohanan sa ating dalawa.  Wala silang alam sa ating istorya at di ko na kailangan ipaliwanag pa.  Nagmamahalan tyo at nabubuhay na walang tinatapakan at sinasaktan, yun ay sapat na.

Monday, September 3, 2012

no fb challenge day 2: epic fail

dahil hindi lahat makakaunawa sa pinagdadaanan ko at sa reason ng pag deactivate ko sa fb, ako na lang ang nag give in at nagreactivate. boom!

ayoko na mag explain dahil napapagod ako. i guess,  i just have to face everything that i'm going through with you facebook. kala ko pa naman back to basics YM, skype at phone...

so that means kelangan ko umisip ng ibang paraan para magbalik ang sigla ko sa photoshop, blogging at ibang productive na bagay kesa mag browse at maglaro sa fb maghapon.

currently browsing pinterest.

subukan ko kayang magwork?!

sige bye muna reply ko muna itong mga emails at ayusin mga files dito sa office.

Sunday, September 2, 2012

no fb challenge day 1: without me

sa unang araw ng pag deactivate ko sa facebook, 2 closest friends lang ang sinabihan ko sa pamamagitan ng pag iwan ng message sa YM. bakit? pareho sila may pinagdadaan at ayoko isipin na iniwan ko sila sa mga oras na ito.  alam ko naman na alam nila pano kumontak sa akin sa YM pero mas gusto ko pa rin ipaalam sa kanila ang ginawa ko just in case hanapin nila ako sa fb. masyado malayo ang Pilipinas at Italy kung asan sila para palayuin ko pa ang distance namin (asa Qatar ako) sa pamamagitan ng pagbabawas ng means of communication.

bago pa man ako magsabi kay kalovelife, tumawag na sya minutes after my deactivation. syempre curious ang lolo mo. "wala lang" ang naisagot ko. buti na lang at hindi sya nagtanong pa dahil hindi naman sya kasing kulet ko na wagas sa walang katapusang questions. dahil aalis sya mabilis naputol ang usapan namin na umabot lang sa 1:04 mins. sa madaling salita nalungkot ulet ako. sana naging makulet na lang sya. ewan ko, ewan ko at ewan ko! sa ranting na naman ba mauuwi ang post na ito?

past 6pm tinawagan ako ng isang kaibigan ko. nalungkot daw sya nang hindi nya ako nakita sa fb chat. isang tao pa ang inaasahan kong magtataka sa aking pagkawala or balewala... we'll see.

isa pa siguro sa gusto ko mapatunayan ay kung totoong maraming paraan. i mean if kailangan nila ako or simply namimiss nila ang presence ko, they know how to find me. paimportante lang!  mahirap din kasi ang lagi ka available. yung alam nilang nandyan ka lang, naghihintay... yes i guess, gusto ko rin maramdaman na importante ako.

ang pagbabalik

alam nyo na siguro kung ano ang dahilan ng pagbabalik ko? may pinagdadaanan na naman ang ate nyo. hehe hindi naman ito major major. namiss ko lang talaga mag inarte at magdrama dito. sana lang kaya ko na idetalye lahat ng mga pangyayari. sa ganong paraan siguro mas maiintindihan nyo ako. bakit naman kasi ako umaasa na may makaintindi sa akin eh kahit ako mismo ay hindi ko maintindihan ang sarili ko... tulad na lang ng bigla kong pag deactivate ng facebook account ko. wala naman akong maisip na dahilan kundi pagsasawa. nagsasawa na ako magbasa ng mga status na puro kabitteran. nagsasawa na ako makita ang mga pictures na madalas ay puro pagpapacute at kayabangan (kasali ako dun). ah basta! masyado na ako naapektohan ng fb na yan kaya goodbye muna hanggang sa mamiss ko ulet. gusto ko rin subukin ang sarili ko hanggang kelan ko kakayanin ang wala nito sa araw araw na buhay ko.

hay nalulungkot ako. eto na naman ang homesickness na hindi ko matakasan. napapaiyak na lang ako kung minsan. nahihirapan ako isipin na nag iisa lang ako. feeling ko ang galing ko magcomfort, makinig at mag encourage sa iba pero sa totoo lang ako mismo ay nangangailangan nun. wala ako magawa kundi magkunwaring matapang kahit napakahirap na. sino naman kasi ang aasahan ko sa mga ganung bagay? ang masama neto nag seself pity na ako. nawawala na kompiyansa ko sa sarili ko at nagiging insecure na ako.

naiinip lang siguro ako. ewan ko ba tila kay bilis ng paglipas ng mga araw pero ang bagal ng takbo ng buhay ko. ang bilis ng panahon. naiiwan ako.

di ko alam san ko nakuha to. pahiram. :)