Tuesday, December 18, 2012

Day 18: write a letter to your followers

dear followers,

big thank you sa inyong dalawa. haha yes dalawa lang kayong followers ko. hindi naman nakakapagtaka yun kasi wala naman kwenta ang blog na ito. hindi ako magaling mag express ng nararamdaman sa pagsusulat at wala akong creative mind.  ginagawa ko lang itong pampalipas oras at diary para maisulat ang ilang pangyayari sa buhay ko. gayun pa man natutuwa ako kaya follow ko rin kayo. sa totoo lang magaling kayo pareho magsulat kahit mga bata pa kayo. kaya kasama na kayo sa mga inspirasyon ko. baka ganun talaga pag bata, mas malikot ang isip. ipagpatuloy nyo lang ang pagsusulat sa kahit anong purpose nyo ngayon para mas madevelop pa kayo at alam ko malayo mararating nyo.

hanggang dito na lang. rest day ng ate nyong couch potato. goodluck. God bless.

mwah!


No comments:

Post a Comment