Monday, December 24, 2012

Day 24: my view

When you look outside, step outside your front door of the house, what do you see? (picture)

i've been meaning to take good pictures of my view outside our house pero wala na talaga magagawa. hahaha bukod sa low end camera phone lang ang gamit ko at late ako nagising kanina dahil puyat ako for the last 9 days (would you believe nakompleto ko ang simbang gabi? congrats sa akin!) ay wala na siguro igaganda pa ang lugar kung saan ako nakatira. talaga!
ang gate from the inside view. katapat ng pinto kung saan ako nakatayo habang kumukuha ng picture.
bandang kanan... oh diba parang pinas lang uso ang basketball half court sa loob ng bakuran. meron din sampayan ng damit.
 
paglabas ng gate.
 left side.
right side.

sobrang iba ito sa lugar na kinalakihan ko sa laguna kung saan mga halaman sa bakuran namin tapos tricycle, iba't ibang uri ng sasakyan sa maliit na kalsada, mga taong naglalakad, mga kabataang nakatambay sa tindahan or sa harap ng gate, kabi kabilang sarisari store ang agad kong makikita paglabas ng bahay. hay nakakamiss ang ganung eksena lalo na sa ganitong panahon. naiimagine ko na masaya na ngayon doon habang busy ang lahat sa pagpeprepare ng pang noche buena mamayang gabi. i'm sure meron na rin naglabas ng sound system or videoke sa gilid ng kalsada para sa party. :(

naappreciate ko na malinis at tahimik ang lugar na ito pero napakadull para sa isang tulad ko. 
ganito ang eksena kahapon ng hapon bago ako pumasok sa trabaho. i suspect ganito rin sya mamaya.

sya nga pala nappreciate ko rin ang mga puno na kahit pano ay nagbibigay kulay sa paligid. luckilly marami sila sa lugar na ito ng disyerto na sadyang pinayayabong para hindi masilip kung anong meron sa loob ng bakuran ng mga lokal dito. next time kukunan ko picture ang mansion sa loob ng bakuran na yan. hehe

Merry Christmas!



No comments:

Post a Comment