Sunday, December 23, 2012

Day 23: sites i use

eversince nagwork ako in 2000 lagi ako may internet access sa office at tinake advantage ko talaga lalo na nung marami akong free time bilang network admin. noong una chatting and browsing lang then i started signing up sa social networking site uso pa noon ang friendster in 2003 kung saan una akong nagblog in 2005 na kahit paminsan minsan lang eh tumagal din hanggang 2010 at 2011 nung tuluyan mawala ang friendster sinubukan kong ilipat sa wordpress pero nagdecide akong idelete na lang dahil sa kabitteran. hehe i learned about blogging sa lifestyle section ng philippine star (a newspaper) kung saan feature nila si lauren dado  na blogger since 1996? ang galing diba? hindi naman talaga ako mahilig magsulat pero tingin ko sa mga writers ay cool! hehe so nakigaya ako. then gumawa ako ng bago sa blogger noong october 22, 2008. mas nauna pala ang facebook  ko noong october 23, 2007 pero hindi active until makalipat ako dito sa qatar in 2009. the same year din ang twitter ko then followed by blip.fmtumblr, wordpress, pinterest and instagram na pare parehong minsan ko lang maupdate.  meron din akong mga forums na sinalihan pero visit ko lang sila pag may specific topic akong hinahanap. bukod pa dito yung mga sites na pwede maaccess kahit hindi magpamember. haha! am i such an internet slave? :)

No comments:

Post a Comment