Sunday, December 25, 2011

christmas 2011

i may not be able to write into details how i feel today. i just wanted to remeber this christmas.  my day started not very well until this realization that i am blessed with family, friends and a special someone.  i thank God for them.  knowing there are people who made their way to remind me how special this day should be is happiness. And it's not only the materials things i received this season i am talking about. i'm in bliss knowing that someone out there made an effort to fulfill a promise and saved a lonely christmas.

i hope everyone is having a great time. merry christmas!

Tuesday, December 20, 2011

vector: wander girl

gusto ko sana sabihin na ako ito... pero hindi talaga! hehe isa syang larawan na hiniram ko sa isang stockimage site. pinalitan ang dating black shoes nya. ginawang dark brown ang hair.
vector art. hindi naman bago ang technique na ito pero pilit ko pa rin sinusubukan at hanggang ngayon hindi ko pa rin maperfect. nakakatamad kc gawin ung mga details lalo na ung mga shadows. dalawang oras din ang naubos ko dito ha.
experiment lang ang background. di masyado malinaw. basta train station yan.

ako, ako nga ang gumawa nito! :)

Saturday, December 17, 2011

pa experience lang

sa almost 3 years na pag stay ko dito sa Qatar maraming bagay ang bago sa akin. maraming bagay at pangyayari ang kakaiba para sa isang tulad ko na ngayon lang nakaranas magtrabaho sa malayong lugar. sa ibang bansa.  iba't ibang uri ng tao ang aking nakakasalamuha. mga tao na may iba ibang lahi, kultura at relihiyon. may mga bagay dito na di ko nakasanayan at hindi katanggap tanggap meron din winewelcome ko lang para naman maiba! hehe we should know the difference.
kagabi, nagdecide ako na mag attend ng isang Arabic wedding. ilang beses na rin ako ininvite ng boss ko sa mga ganitong okasyon pero lagi ako tumatanggi. feeling ko kasi alangan ako sa ganitong okasyon. alam ko magaganda ang suot ng mga nag aattend dun. artistahin at mala prinsesa pa nga daw ayon sa description ng isang kaibigan ko. kalimitan sa isang magandang hotel ito ginaganap. hmmm... sayang naman ang pagkakataon. di lahat ay nagakakaron ng chance mawitness ang ganito. kung asa Pilipinas ako, mayayaman lang ang nakakaattend sa sosyalin na wedding. maliban na lang may kaibigan ako na mayaman or kaibigan na nakapangasawa ng mayaman. marami na ako nabasa at narinig about sa ganitong wedding pero kelangan ko to maexperience! haha
ayun na nga, umattend ako. pormang simplehan lang. di naman kelangan na lumevel ako sa long gown nila na yung iba ay pinagawa pa sa mga sikat na designer sa loob at labas ng Arab world. black sleeveless top, drape miniskirt, black stockings, killer heels, konting make-up, ooops makapal pala make-up ko at almost red lipstick. party party!  9th floor al wajba hall, la cigale hotel. first time ko makapasok sa hotel na to kahit lagi ko dinadaan daanan. hindi naman ako naamaze masyado sa place kasi expected na maganda sya. puro ibang lahi ang mga guest na nakikita ko sa lobby maliban sa mga pinoy na nagtatrabaho sa hotel. swerte naman at Filipino ang nasa information dahil hindi lang nya ako binigyan ng directions, sinamahan pa nya ako hanggang sa area na pwede sya dahil "no men allowed" na pagdating dun sa reception table kung saan isang Filipina rin ang nagcheck ng aking invitation at nagconfiscate ng aking mobile phone kapalit ng isang number card. bawal mag take ng pictures ang mga guests na hindi locale.
alam ko naman na maaring wala ako makausap dito dahil wala naman ako ibang kakilala kundi ang boss ko at dalawang anak nya na inaasahan kong busy.  syempre kilala ko rin ang groom, kapatid ng boss ko, na nasa kabilang hall. magkahiwalay ang ceremonies ng lalaki at babae. ganun pa man wala ako pakiaalam kung maOP ako. basta ako ay magmamasid at mag eenjoy sa food and drinks na iseserve.  malayo layo pa sa main etrance ng hall nakita ko ang magkapatid. nakangiti at kumaway sa akin. magaganda nga ang damit at accessories na suot nila. paglapit ko, bumati ng cheeks to cheeks ang mas nakatatanda at napilitan na rin nakibeso ang mas bata. hahaha feeling close!  mas maraming beses ulitin ang cheeks to cheeks mas close, ayon sa culture nila. nasa main entrance ang boss ko at nakipagshakehands ako bilang pagbati. maganda at kumikinang ang green gown nya.
maganda ang set up ng hall. gold and red ang motiff. maganda ang table settings na may red roses gold ornaments at white candles. may mga bilog na table sa kaliwa at kanan. may rampa sa gitna na di tataas sa 1 meter. may 2 long table sa magakabilang side ng ramp para sa vip. sa rampang ito mag lalakad ang bride hanggang sa dulo kung saan may 2 seater chair na red and gold.
tulad ng ibang party, nagserve sila ng fresh juice at canapes. kasabay ng pagplay ng video ng bride sa dalawang big screen sa unahan ay ang pagserve ng starter plate na may stuffed vine leaves, isang brown na mukhang meat balls, assorted arabic bread at 2 kinds ng dip. ang tea at gawa coffee ay isineserve sa buong program. pero di ako uminom nun dahil ayoko lang.hehe nagsimula na sumayaw ang mga babae sa kahabaan ng rampa na sya rin palang dance floor or stage. maya maya pa iniannounce na ang pagdating ng bride. rumampa sya suot ang kanyang white wedding gown, mahabang veil at bet ko ang wedding crown nya. matagal ang pagrampa tipong tumitigil para magpose every 2 steps. ganda! kasunod nun ay main course na. habang ang iba ay umaakyat sa stage para sumayaw, bumati at magpapicture sa bride, kumain naman ako.
ang saya nila panoorin habang sumasayaw. may mga kabataan at mga may idad na. kanya kanya silang pagandahan. dito daw pumipili ang mga mommy ng prospect para sa anak nilang lalaki. meron pang tila nag papaulan ng qatar bills sa mga sumasayaw na pinupulot naman ng mga Filipino waitresses na nasa tabi ng stage. nang iniannounce ang pagdating ng groom, nagsuot na ng abaya at nagtaklob ng buhok ang mga babae pati na rin ang bride. ang groom ay inescortan ng kanyang ina at 2 lalaki (palagay ko ay mga kapatid nya?) at iba pang kamag anak cguro. desserts at nagsimula na magpaalam ang ibang guests. di ko alam pano natapos ang celebration dahil nang makita kong bumaba ang boss ko mula sa stage, nagdecide akong magpaalam na. niyaya pa nya ako umakyat ng stage para bumati sa groom pero nahiya ako. hehe salamat at di nya ako pinilit kaya umalis na ako dala ang isang cupcake na nasa box as souvenir.
totoong maraming maganda sa kanila pero hindi totoo na lahat sila ay snob.
ang haba ng post na ito. wala kasi akong picture. yun lang!

Monday, December 12, 2011

wander girl

woah ang tagal ko na naman hindi nagpost dito. bakit nga ba? busy? siguro. di ko naman masabi na hindi ako inspired dahil ako na! ako na ang babaeng inlove after ng vacation. haha nakasama na ang pamilya at mga kaibigan may lovelife pa. doble saya di ba? pero ibang usapan ung sa lovelife eh. kelangan ng isang hiwalay na post para dun (ang landi lang! hahaha). speaking of vacation. dapat pala nagpost ako dito ng mga pangyayari noong bakasyon ko sa Pilipinas. kain, tulog at gala ang buhay ko noon. inenjoy ang ulan at syempre natupad ang pangarap na magpunta sa boracay!
after ng mahigit isang buwan na bakasyon, balik sa katotohanan. buhay doha. ang busy bisihan kong buhay sa doha. busy dahil isa akong NPA. no permanent address. if not for the fact that i have a job, isa na akong vagabond. 8 houses in less than 3 years? san ka pa?! hehe... sa totoo lang work din naman... at pera ang dahilan kung bakit ako palipat lipat. gusto ko kasi malapit lang sa office para tipid...di na ako kelangan magbayad ng transport service. sayang din yun hehe... pero bakit tila napakahirap makakita ng appartment sa area ng work ko. dati na ako nakatira sa lugar na 'to kaya alam ko meron ako makikita... sana.
di pa ako sumusuko. ipinamimigay ko na mobile number ko sa sino mang kabayan na makilala ko sa ministore malapit sa office kahit di naman ako sure na tatawagan nila ako or mag abala ba sila para s akin. nagbabakasakali lang ako... at may nag abala nga si kuya, isang kabayan na nakasalubong ko lang sa daan habang nag hahanap ako. nabuhayan ako loob nung tinawagan ako ni kuya after 2 days na mameet ko sya. sobra ako umasa na may nakita sya. kaso alam ko na rin yung place na sinasabi nya. yun talaga ang target ko ang problema nga lang di pa ready yung mag asawa na makakasama ko dun kaya di namin maipareserve. hanggang sa napadaan ako nung isang araw at napansin ko na wala na ang signboard na "for rent". sayang! kahapon nakita ko si ate aimee, isang kabayan na nagpromise na tulungan ako maghanap. sa kasamaang palad occupied na daw yung sa pinsan nya. hay bigla ako nalungkot. hindi ata matupad ang goal na bagong taon, bagong bahay, bagong buhay! 2 weeks na lang pasko na. 1 week after ng pasko, new year na. sana new place sa 2012. san kaya? Lead me Lord. :)

Saturday, May 14, 2011

tambayan- sagot sa pagkabagot?

sobra na akong nababagot. kelangan ko ng libangan. mas maganda kung ang libangang ito ay magpapalawak ng aking kaalaman at magbibigay sa akin ng kayamanan...pwede!hehe. noon nakuntento na ako sa pagsunod sa mga video tutorials tungkol sa photoshop na makikita sa internet. nalibang, natuto at natuwa ako sa mga kinalabasan ng mga pinaglaruang pictures. bukod dun nagagamit ko ang aking natutunan sa aking trabaho.
mahaba ang oras na inilalagi ko sa harap ng computer at ang pagkadiskubre ko sa TAMBAYAN ay hindi sinasadya. nagustuhan ko ang idea na puro pinoy bloggers ang members nito ayon sa pangalan, Tambayan ng Pinoy Bloggers. meron din akong inaamag na blog kaya nagregister ako. binasa ko ang mga topics. nakisali at nakikomento sa mga usapan. nagvisit sa mga blogs ng iba't ibang members na sobra kong kinagiliwan. eto ang unang pagkakataon na sumali ako sa isang forum at masaya naman ako. maraming bagay na pwedeng matutunan sa pagsali sa isang forum tulad nito. maraming nagsheshare ng kani-kanilang experiences at kaalaman sa larangan ng blogging at buhay in general (oo maraming ganung topics sa tambayan). maraming talented, creative at intellectual na tao. nakakainspire! meron pang pacontest at kulitan.
tuwing bumibisita ako sa tambayan, meron akong natututunan mula sa mga writers at photobloggers. ngayon nangangarap akong maging kasing husay din nila sa pagboblog. nangangarap na ang munting libangan ko, ang walang kwentang blog ko ay magkaron ng saysay at pagkakitaan. obyus ba? mukha akong pera hehehe kaya nga gusto ko rin manalo ng $50!
tungkol naman sa title, bakit ko nilagyan ng question mark? di kasi ako sigurado kung yun nga lang ang naging papel ng TAMBAYAN sa pang araw araw na buhay ko. palagay ko more pa dun. pwede itong libangan, source ng informations/inspirations at avenue of opportunity sa maraming bagay isa na ang magkaron ng bagong kaibigan. sana nga magtagal pa ang Tambayan.
ikaw ano naman ang masasabi mo? ano para iyo ang tambayan?
magcomment naman kayo nang magkaron ako chance manalo. :)

Sunday, May 8, 2011

emotional binging

i'm aware that i'm still on a diet and need to lose some weight. but i just can't help it. eating makes me happy specially when my spirit is down in the dumps like right now. it's not a very good day for me as far as work is concerned. good thing i found out that a very inspiring blogger, nortehanon, commented on my post roller coaster. i'm chosing to end my day with a smile. :)

Monday, May 2, 2011

Late Birthday Post

April 29, Friday, birthday ko. Habang ang karamihan ay nanonood ng The Royal Wedding, kami sa bahay ay deadma lang. May natutulog, nagchachat, naglalaba, naglilinis ng bahay at nagpeprepare ng lunch namin. Ganun ang buhay namin mga alipin sagigilid sa disyerto pag friday. Dahil birthday ko, naisipan kong gumawa ng dessert, gelatin na pink! First time ko gumawa nun dahil di naman ako nabigyan ng chance na magreyna sa kusina. Lagi lang akong tagatikim sa bahay namin. Happy ako dahil isang success ang aking gelatin na pink. hahaha actually, bitin!

Nagluto rin ako ng pasta in white tuna sauce. Another first time. Di panalo ang resulta pero pwede na rin pagtyagaan.
Malungkot ang malayo sa home. Pero maswerte ako meron akong mga kaibigan dito. Kasalo ko sila sa lunch na sila ang nagprepare. Lutong bahay ang tema, chopsuey, pritong bangus at adobong chicken liver na sobrang anghang. Masarap na salo salo. Feeling ko Sunday lunch sa Pilipinas. May pakwan pa, paborito! Di pa natapos dun. Nagattend kami church. Nagdala ng food sa sister ko. Nagpunta sa Aspire Zone para magpicnic. Tambayan ng families pag weekends.
nagpunta rin kami sa villagio mall para maexperience ang gondola ride.
All these in one day. Nakakapagod. Sana next year ulet. :) I feel so blessed. I thank God.

Sunday, April 17, 2011

roller coaster

isang katotohanan ang sasahibin ko ngayon... di pa ako nakasakay sa roller coaster! hindi ako masyado mahilig sa mga amusement parks. taga laguna ako pero di pa ako nakarating ng enchanted kingdom. hanggang peryahan sa fiesta lang ako nung bata pa ako. sa pagkakatanda ko naejoy ko naman yun nung bata pa ako. pero di tungkol dun ang kwento ko ngayon. nitong nakaraang mga araw or linggo naiistress talaga ang beauty ko. nung una excited ako na finally two years na ako dito at pwede na ako magbakasyon sa pinas. wow sarap! sana ganun lang kadali un. hindi naging madali sa akin ang lahat ng mapunta ako dito sa qatar. marami akong pinagdaanang pagsubok dito at masaya akong sabihin na nalagpasan ko naman. marahil yun ang buhay abroad. so ang pagkakataong makauwi ay matagal ko ng hinihintay. bkit ako nastress? dami naghihingi ng pasalubong. marami nagtatanong if marami na ako ipon. kahit joke lang un nakakastress pa rin! dumagdag pa ung situation ko sa work at sa house. pero tulad ng lahat ng pagsubok, these too shall pass. so bakit roller coaster ang title? wala lang... para kasing buhay ko taas, baba with matching ikot ikot. nakakahilo. masalimuot. exciting. at the end of the day, masarap kumain ng ice cream para makalma! :)

Thursday, April 14, 2011

Di Ako Nagmamadali

Malamya, mahinhin at mabagal. Ganyan ako idescribe nung bata pa ako. Lagi ako napapagalitan ng tita at lola ko dahil sa kabagalan ko kumilos. Para daw akong pagong. Yun din siguro dahilan kung bakit saling pusa lang ako sa mga laro noon. Hindi ako sporty at competitive. Sabi ng iba pag nagpatuloy ako sa ganong kilos walang mangyayari sa buhay ko. Lagi ako mapagiiwanan. Di ko naman alam kung tama nga sila pero wala ako paki alam noon. Di ko naman nararamdaman na kelangan ko magmadali. Pag gising ko sa umaga nakahanda na agahan, baon at isusuot ko sa pagpasok. Sarili ko lang iniintindi ko. Ganun cguro pag bata wala iniisip kundi kumain, pumasok sa school, maglaro at maglaro pa ulit. Bakit ako magmamadali? Enjoy lang! Hanggang lumaki ako at nag high school mabagal pa rin ako. Ang mga bagay ay ginagawa ko sa aking own sweet time. Gumagawa ako ng project pag malapit na pasahan. Gumigising lang ng maaga kapag may pupuntahan kami at ayokong maiwan. Mabagal pa rin ako. Ang kaibahan lang... marunong na ako magdahilan. Pag nagmadali ako, baka meron ako makalimutan. Pag nagmadali ako, baka lumabas na di maganda ang resulta kaysa sa inaasahan. Mga dahilan ng mga taong basta na lang makapagdahilan. :) Pinag iisipan ko muna bago ako magdesisyon at umaksyon. Mali ba yun? College. Biglang naisip ko kelangan ko na magmadali. Gusto ko na agad makapagtapos at makapagtrabaho. Kinuha ko ang kursong sa palagay ko ay in-demand nang mga panahong iyon pare sure na magkatrabaho agad. Hindi ko rin naman sineryoso ang pag aaral basta alam ko makakatapos ako sa loob ng apat na taon. Nang makapagtapos ako masuwerte naman at nakahanap ako ng trabaho (kung san ako nag OJT hehe). Siguro masyado ako nag enjoy (dun ko nameet ang una ko bf. yun "yun" eh!) at hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon. Hanggang tinamaan na rin ako ng pagkainip. Naisip ko "Tumatanda ako ng hindi ako umaasenso. Eto na ba yung sinasabi nilang mapag iiwanan ako?" Kaya nag hanap ako ng ibang trabaho. Wala lang, para maiba lang. Nagkaron ako ng steady-ng relasyon. Steady sa paraang kuntento na kami na masaya kami, nagmamahalan at nagkakasundo. Steady sa paraang gusto namin kami na sa future. Di namin minadali ang lahat. Di ko rin naman naramdaman na kelangan na namin magpakasal kahit limang taon na kami mag-ON. Pakiramdam ko bata pa ako at di kelangan magmadali. Mas gusto kong makapag handaan namin ang future. Ayokong matulad sa iba na masyadong nagmadali tapos naghihirap sa buhay. Ayokong magmadali para magsisi lang pagdating ng panahon dahil hindi ko naenjoy ang aking kabataan. Kaya ng magkaron ng oportunidad sa abroad, umalis ako sa pag asang maghihintay si jowa pero nagkamali ako. Nainip sya. Naghanap ng iba. Ni let go ko na lang dahil sa lahat ng bagay dun lang ako mabilis... ang mag let go!

At ngayon, alam kong hindi na ako bumabata pero di pa rin ako matanda noh! Tinutukso ng mga dati kong kaklase na magmadali para makahabol sa byahe. Aba klasmeyst di lahat bagay sa mundo ay umiikot lang sa pag aasawa at pagkakaron ng pamilya. Di ko sinabing ayokong magkaron ng sariling pamilya. Kaso hindi pa ako handa. Chos! Hindi pa rin ako mayaman pero di ko iniisip na ako'y napag iiwanan. Lahat ng bagay ay may nakatakdang oras. Yan ang paniniwala ko. Kaya yung mga naiinip dyan, well... di ako nagmamadali!