Wednesday, May 29, 2013

it's all about me now

pagod ako physically. as in nararamdaman kong masakit ang katawan ko at mahapdi ang mga mata ko.  pagod ako sa trabaho, gawaing bahay at gala.  

as much as possible ayoko muna mag isip ng kung anu ano. ayoko na ulet mastress ng dahil sa vacation na yan.  uwing uwi na ako kaya gusto ko mailagay sa ayos ang lahat bago ang target date ng vacation ko.  ah basta kelangan ko magpakabibo sa mga susunod na araw para matapos lahat ng worries at maging happy ang vacation ko.  sana lang makakuha agad ako ng pwede kong maging reliever.

kasama sa kapaguran ko lately ang sunud sunod kong pag abuso sa wallet ko. hindi para bumili ng mga pasalubong, kundi para bigyan ng reward and sarili ko.  mga maliliit na bagay lang naman sa ikinasasaya ng simpleng babaeng katulad ko.  hehe

kani kanina lang meron ako narealize... hindi pa ako ready.  tinalikuran/itinaboy ko ang isang posibilidad. bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya pero hindi panghihinayang.  gusto ko pa ang status ko ngayon... malaya. masaya.  marami siguro ang magtataas kilay pero yun ang totoo. hindi sa takot na akong magtiwala.  hindi sa takot na akong sumugal.  alam ko lang sa sarili ko na hindi pa nga ako handa at magiging unfair lang ako kung gagamitin ko ang ibang tao para lang maipakita na hindi ako nag iisa. basta...

ako muna!  :)


4 comments:

  1. nakita kita sa blog ni xan kaya sinilip ko na din blog mo...hehe!

    tama ka sa sinabi mo.. hindi magandang gumamit ka ng tao na hindi ka pa talaga handa... :) si (hindi ma-tag..lol) xan kasi ganun eh..haha! tapos bandang huli marerealize niya na mali pala..haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganun ba? nasilip ko na din blog mo. hehe at medyo namention kn ni xan. hehe ulet... sus sabi nya enjoy din muna sya sa status nya now... charotero un. haha!

      Delete
  2. Replies
    1. :) thanks sa pagsilip at pag iwan comment. God bless.

      Delete