Sunday, September 2, 2012

no fb challenge day 1: without me

sa unang araw ng pag deactivate ko sa facebook, 2 closest friends lang ang sinabihan ko sa pamamagitan ng pag iwan ng message sa YM. bakit? pareho sila may pinagdadaan at ayoko isipin na iniwan ko sila sa mga oras na ito.  alam ko naman na alam nila pano kumontak sa akin sa YM pero mas gusto ko pa rin ipaalam sa kanila ang ginawa ko just in case hanapin nila ako sa fb. masyado malayo ang Pilipinas at Italy kung asan sila para palayuin ko pa ang distance namin (asa Qatar ako) sa pamamagitan ng pagbabawas ng means of communication.

bago pa man ako magsabi kay kalovelife, tumawag na sya minutes after my deactivation. syempre curious ang lolo mo. "wala lang" ang naisagot ko. buti na lang at hindi sya nagtanong pa dahil hindi naman sya kasing kulet ko na wagas sa walang katapusang questions. dahil aalis sya mabilis naputol ang usapan namin na umabot lang sa 1:04 mins. sa madaling salita nalungkot ulet ako. sana naging makulet na lang sya. ewan ko, ewan ko at ewan ko! sa ranting na naman ba mauuwi ang post na ito?

past 6pm tinawagan ako ng isang kaibigan ko. nalungkot daw sya nang hindi nya ako nakita sa fb chat. isang tao pa ang inaasahan kong magtataka sa aking pagkawala or balewala... we'll see.

isa pa siguro sa gusto ko mapatunayan ay kung totoong maraming paraan. i mean if kailangan nila ako or simply namimiss nila ang presence ko, they know how to find me. paimportante lang!  mahirap din kasi ang lagi ka available. yung alam nilang nandyan ka lang, naghihintay... yes i guess, gusto ko rin maramdaman na importante ako.

No comments:

Post a Comment