Tuesday, April 17, 2012

artistahin

minsan mas mabuting piliin ang tumahimik na lang kaysa magsabi ng saloobin sa isang tao sa pangamba na mapag isipan na nag iinarte ka. kahit na ang buong katotohanan ay nag iinarte naman talaga.  hindi ko alam kelan ko maiiwasan ang pag iinarte. ano ba magagawa ko eh maarte ako talaga. siguro nuong umulan ng kaartehan sa mundo, naligo ako at nagsahod ng drum para isave at magamit sa future.

naisip ko nga parang mas mabuti pang magkwento sa mga hindi kakilala. yung mga walang pakialam. yung makikinig lang kahit hindi naiintidihan at hindi makapagbigay ng opinion dahil hindi nga naintidihan ang pinag iinarte mo.  kung sakali mang magbigay ng opinion, pakiramdam mo wala syang pinapanigan dahil nagbase lang sya sa kwento at hindi sa pagkakilala nya s'yo or sa taong involved sa kwento.  yung hindi ka ijujudge kahit ano ikwento mo at kahit husgahan nya ang pagkatao mo at pagkatao ng mga character sa kwento ay ayos lang dahil hindi ka naman sure if makikita mo pa sya ulet sa buong buhay mo.  hindi naman yun sa pagkakalat ng baho mo sa buhay mo kundi purong pag sisiwalat lang ng nararamdaman... sa ibang tao. palagay ko, no harm yun. palagay ko rin, ayos lang yun kaysa makipag usap sa hangin, halaman, hayop or anumang bagay na parang baliw lang... malayo pa naman ako sa pagiging baliw. hanggat naisusulat ko dito kahit walang nakakabasa sa super personal blog ko outlet pa rin na matatawag ito.
p.s.
ang pag iinarte ay may pinanggagalingan. hindi ito kathang isip lang. madalas ito ay dahil sa matinding emosyon na nararamdaman. minsan din ito ay bunga ng kapraningan. manahimik na lang. tapos ang kwento!

3 comments:

  1. makakilala din sana ako ng tulad ng sinasabi mo. At natawa ako doon sa kwento nang nagsabong ng kaartihan ang daming tawa mga sampu haha

    ReplyDelete
  2. hi inong. salamat sa komento. ang galing nabilang mo pa yung tawa mo. hahaha, 3

    ReplyDelete
  3. Minsan naiisip ko din yan na mas maganda na ngang mag sabi sa hindi mo ka kilala kasi sila hindi ka nila majujudge at makakapagbigay sila ng opinion base sa situation at hindi bias...

    Tama ka naman, HINDI KA mag maarte kung wala kaNG pag aartehan...

    Ay nagulo ko ba?

    Relaks ka lang....

    Keep Safe always!..

    ReplyDelete