Monday, December 12, 2011

wander girl

woah ang tagal ko na naman hindi nagpost dito. bakit nga ba? busy? siguro. di ko naman masabi na hindi ako inspired dahil ako na! ako na ang babaeng inlove after ng vacation. haha nakasama na ang pamilya at mga kaibigan may lovelife pa. doble saya di ba? pero ibang usapan ung sa lovelife eh. kelangan ng isang hiwalay na post para dun (ang landi lang! hahaha). speaking of vacation. dapat pala nagpost ako dito ng mga pangyayari noong bakasyon ko sa Pilipinas. kain, tulog at gala ang buhay ko noon. inenjoy ang ulan at syempre natupad ang pangarap na magpunta sa boracay!
after ng mahigit isang buwan na bakasyon, balik sa katotohanan. buhay doha. ang busy bisihan kong buhay sa doha. busy dahil isa akong NPA. no permanent address. if not for the fact that i have a job, isa na akong vagabond. 8 houses in less than 3 years? san ka pa?! hehe... sa totoo lang work din naman... at pera ang dahilan kung bakit ako palipat lipat. gusto ko kasi malapit lang sa office para tipid...di na ako kelangan magbayad ng transport service. sayang din yun hehe... pero bakit tila napakahirap makakita ng appartment sa area ng work ko. dati na ako nakatira sa lugar na 'to kaya alam ko meron ako makikita... sana.
di pa ako sumusuko. ipinamimigay ko na mobile number ko sa sino mang kabayan na makilala ko sa ministore malapit sa office kahit di naman ako sure na tatawagan nila ako or mag abala ba sila para s akin. nagbabakasakali lang ako... at may nag abala nga si kuya, isang kabayan na nakasalubong ko lang sa daan habang nag hahanap ako. nabuhayan ako loob nung tinawagan ako ni kuya after 2 days na mameet ko sya. sobra ako umasa na may nakita sya. kaso alam ko na rin yung place na sinasabi nya. yun talaga ang target ko ang problema nga lang di pa ready yung mag asawa na makakasama ko dun kaya di namin maipareserve. hanggang sa napadaan ako nung isang araw at napansin ko na wala na ang signboard na "for rent". sayang! kahapon nakita ko si ate aimee, isang kabayan na nagpromise na tulungan ako maghanap. sa kasamaang palad occupied na daw yung sa pinsan nya. hay bigla ako nalungkot. hindi ata matupad ang goal na bagong taon, bagong bahay, bagong buhay! 2 weeks na lang pasko na. 1 week after ng pasko, new year na. sana new place sa 2012. san kaya? Lead me Lord. :)

1 comment:

  1. Welcome back! Ayan sipagan mo na ulet mag blog:) isa ka ngang wanderer :)

    ReplyDelete