sa almost 3 years na pag stay ko dito sa Qatar maraming bagay ang bago sa akin. maraming bagay at pangyayari ang kakaiba para sa isang tulad ko na ngayon lang nakaranas magtrabaho sa malayong lugar. sa ibang bansa. iba't ibang uri ng tao ang aking nakakasalamuha. mga tao na may iba ibang lahi, kultura at relihiyon. may mga bagay dito na di ko nakasanayan at hindi katanggap tanggap meron din winewelcome ko lang para naman maiba! hehe we should know the difference.
kagabi, nagdecide ako na mag attend ng isang Arabic wedding. ilang beses na rin ako ininvite ng boss ko sa mga ganitong okasyon pero lagi ako tumatanggi. feeling ko kasi alangan ako sa ganitong okasyon. alam ko magaganda ang suot ng mga nag aattend dun. artistahin at mala prinsesa pa nga daw ayon sa description ng isang kaibigan ko. kalimitan sa isang magandang hotel ito ginaganap. hmmm... sayang naman ang pagkakataon. di lahat ay nagakakaron ng chance mawitness ang ganito. kung asa Pilipinas ako, mayayaman lang ang nakakaattend sa sosyalin na wedding. maliban na lang may kaibigan ako na mayaman or kaibigan na nakapangasawa ng mayaman. marami na ako nabasa at narinig about sa ganitong wedding pero kelangan ko to maexperience! haha
ayun na nga, umattend ako. pormang simplehan lang. di naman kelangan na lumevel ako sa long gown nila na yung iba ay pinagawa pa sa mga sikat na designer sa loob at labas ng Arab world. black sleeveless top, drape miniskirt, black stockings, killer heels, konting make-up, ooops makapal pala make-up ko at almost red lipstick. party party! 9th floor al wajba hall, la cigale hotel. first time ko makapasok sa hotel na to kahit lagi ko dinadaan daanan. hindi naman ako naamaze masyado sa place kasi expected na maganda sya. puro ibang lahi ang mga guest na nakikita ko sa lobby maliban sa mga pinoy na nagtatrabaho sa hotel. swerte naman at Filipino ang nasa information dahil hindi lang nya ako binigyan ng directions, sinamahan pa nya ako hanggang sa area na pwede sya dahil "no men allowed" na pagdating dun sa reception table kung saan isang Filipina rin ang nagcheck ng aking invitation at nagconfiscate ng aking mobile phone kapalit ng isang number card. bawal mag take ng pictures ang mga guests na hindi locale.
alam ko naman na maaring wala ako makausap dito dahil wala naman ako ibang kakilala kundi ang boss ko at dalawang anak nya na inaasahan kong busy. syempre kilala ko rin ang groom, kapatid ng boss ko, na nasa kabilang hall. magkahiwalay ang ceremonies ng lalaki at babae. ganun pa man wala ako pakiaalam kung maOP ako. basta ako ay magmamasid at mag eenjoy sa food and drinks na iseserve. malayo layo pa sa main etrance ng hall nakita ko ang magkapatid. nakangiti at kumaway sa akin. magaganda nga ang damit at accessories na suot nila. paglapit ko, bumati ng cheeks to cheeks ang mas nakatatanda at napilitan na rin nakibeso ang mas bata. hahaha feeling close! mas maraming beses ulitin ang cheeks to cheeks mas close, ayon sa culture nila. nasa main entrance ang boss ko at nakipagshakehands ako bilang pagbati. maganda at kumikinang ang green gown nya.
maganda ang set up ng hall. gold and red ang motiff. maganda ang table settings na may red roses gold ornaments at white candles. may mga bilog na table sa kaliwa at kanan. may rampa sa gitna na di tataas sa 1 meter. may 2 long table sa magakabilang side ng ramp para sa vip. sa rampang ito mag lalakad ang bride hanggang sa dulo kung saan may 2 seater chair na red and gold.
tulad ng ibang party, nagserve sila ng fresh juice at canapes. kasabay ng pagplay ng video ng bride sa dalawang big screen sa unahan ay ang pagserve ng starter plate na may stuffed vine leaves, isang brown na mukhang meat balls, assorted arabic bread at 2 kinds ng dip. ang tea at gawa coffee ay isineserve sa buong program. pero di ako uminom nun dahil ayoko lang.hehe nagsimula na sumayaw ang mga babae sa kahabaan ng rampa na sya rin palang dance floor or stage. maya maya pa iniannounce na ang pagdating ng bride. rumampa sya suot ang kanyang white wedding gown, mahabang veil at bet ko ang wedding crown nya. matagal ang pagrampa tipong tumitigil para magpose every 2 steps. ganda! kasunod nun ay main course na. habang ang iba ay umaakyat sa stage para sumayaw, bumati at magpapicture sa bride, kumain naman ako.
ang saya nila panoorin habang sumasayaw. may mga kabataan at mga may idad na. kanya kanya silang pagandahan. dito daw pumipili ang mga mommy ng prospect para sa anak nilang lalaki. meron pang tila nag papaulan ng qatar bills sa mga sumasayaw na pinupulot naman ng mga Filipino waitresses na nasa tabi ng stage. nang iniannounce ang pagdating ng groom, nagsuot na ng abaya at nagtaklob ng buhok ang mga babae pati na rin ang bride. ang groom ay inescortan ng kanyang ina at 2 lalaki (palagay ko ay mga kapatid nya?) at iba pang kamag anak cguro. desserts at nagsimula na magpaalam ang ibang guests. di ko alam pano natapos ang celebration dahil nang makita kong bumaba ang boss ko mula sa stage, nagdecide akong magpaalam na. niyaya pa nya ako umakyat ng stage para bumati sa groom pero nahiya ako. hehe salamat at di nya ako pinilit kaya umalis na ako dala ang isang cupcake na nasa box as souvenir.
totoong maraming maganda sa kanila pero hindi totoo na lahat sila ay snob.
ang haba ng post na ito. wala kasi akong picture. yun lang!
No comments:
Post a Comment