Saturday, May 14, 2011

tambayan- sagot sa pagkabagot?

sobra na akong nababagot. kelangan ko ng libangan. mas maganda kung ang libangang ito ay magpapalawak ng aking kaalaman at magbibigay sa akin ng kayamanan...pwede!hehe. noon nakuntento na ako sa pagsunod sa mga video tutorials tungkol sa photoshop na makikita sa internet. nalibang, natuto at natuwa ako sa mga kinalabasan ng mga pinaglaruang pictures. bukod dun nagagamit ko ang aking natutunan sa aking trabaho.
mahaba ang oras na inilalagi ko sa harap ng computer at ang pagkadiskubre ko sa TAMBAYAN ay hindi sinasadya. nagustuhan ko ang idea na puro pinoy bloggers ang members nito ayon sa pangalan, Tambayan ng Pinoy Bloggers. meron din akong inaamag na blog kaya nagregister ako. binasa ko ang mga topics. nakisali at nakikomento sa mga usapan. nagvisit sa mga blogs ng iba't ibang members na sobra kong kinagiliwan. eto ang unang pagkakataon na sumali ako sa isang forum at masaya naman ako. maraming bagay na pwedeng matutunan sa pagsali sa isang forum tulad nito. maraming nagsheshare ng kani-kanilang experiences at kaalaman sa larangan ng blogging at buhay in general (oo maraming ganung topics sa tambayan). maraming talented, creative at intellectual na tao. nakakainspire! meron pang pacontest at kulitan.
tuwing bumibisita ako sa tambayan, meron akong natututunan mula sa mga writers at photobloggers. ngayon nangangarap akong maging kasing husay din nila sa pagboblog. nangangarap na ang munting libangan ko, ang walang kwentang blog ko ay magkaron ng saysay at pagkakitaan. obyus ba? mukha akong pera hehehe kaya nga gusto ko rin manalo ng $50!
tungkol naman sa title, bakit ko nilagyan ng question mark? di kasi ako sigurado kung yun nga lang ang naging papel ng TAMBAYAN sa pang araw araw na buhay ko. palagay ko more pa dun. pwede itong libangan, source ng informations/inspirations at avenue of opportunity sa maraming bagay isa na ang magkaron ng bagong kaibigan. sana nga magtagal pa ang Tambayan.
ikaw ano naman ang masasabi mo? ano para iyo ang tambayan?
magcomment naman kayo nang magkaron ako chance manalo. :)

2 comments:

  1. 2008 ka pa ang bloblog.Tagal na.

    ReplyDelete
  2. i took advantage of the free internet sa office. unlimited! hehe pero di ko napangatawan kc di ako magaling magsulat bukod pa sa isang kong tamad. :)

    ReplyDelete