April 29, Friday, birthday ko. Habang ang karamihan ay nanonood ng The Royal Wedding, kami sa bahay ay deadma lang. May natutulog, nagchachat, naglalaba, naglilinis ng bahay at nagpeprepare ng lunch namin. Ganun ang buhay namin mga alipin sagigilid sa disyerto pag friday. Dahil birthday ko, naisipan kong gumawa ng dessert, gelatin na pink! First time ko gumawa nun dahil di naman ako nabigyan ng chance na magreyna sa kusina. Lagi lang akong tagatikim sa bahay namin. Happy ako dahil isang success ang aking gelatin na pink. hahaha actually, bitin!
Nagluto rin ako ng pasta in white tuna sauce. Another first time. Di panalo ang resulta pero pwede na rin pagtyagaan.
Malungkot ang malayo sa home. Pero maswerte ako meron akong mga kaibigan dito. Kasalo ko sila sa lunch na sila ang nagprepare. Lutong bahay ang tema, chopsuey, pritong bangus at adobong chicken liver na sobrang anghang. Masarap na salo salo. Feeling ko Sunday lunch sa Pilipinas. May pakwan pa, paborito! Di pa natapos dun. Nagattend kami church. Nagdala ng food sa sister ko. Nagpunta sa Aspire Zone para magpicnic. Tambayan ng families pag weekends.
nagpunta rin kami sa villagio mall para maexperience ang gondola ride.
All these in one day. Nakakapagod. Sana next year ulet. :) I feel so blessed. I thank God.
No comments:
Post a Comment