Sunday, April 17, 2011
roller coaster
isang katotohanan ang sasahibin ko ngayon... di pa ako nakasakay sa roller coaster! hindi ako masyado mahilig sa mga amusement parks. taga laguna ako pero di pa ako nakarating ng enchanted kingdom. hanggang peryahan sa fiesta lang ako nung bata pa ako. sa pagkakatanda ko naejoy ko naman yun nung bata pa ako. pero di tungkol dun ang kwento ko ngayon. nitong nakaraang mga araw or linggo naiistress talaga ang beauty ko. nung una excited ako na finally two years na ako dito at pwede na ako magbakasyon sa pinas. wow sarap! sana ganun lang kadali un. hindi naging madali sa akin ang lahat ng mapunta ako dito sa qatar. marami akong pinagdaanang pagsubok dito at masaya akong sabihin na nalagpasan ko naman. marahil yun ang buhay abroad. so ang pagkakataong makauwi ay matagal ko ng hinihintay. bkit ako nastress? dami naghihingi ng pasalubong. marami nagtatanong if marami na ako ipon. kahit joke lang un nakakastress pa rin! dumagdag pa ung situation ko sa work at sa house. pero tulad ng lahat ng pagsubok, these too shall pass. so bakit roller coaster ang title? wala lang... para kasing buhay ko taas, baba with matching ikot ikot. nakakahilo. masalimuot. exciting. at the end of the day, masarap kumain ng ice cream para makalma! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Pareho pala tayo, ako rin di pa nakakasakay sa roller coaster. At never akong sasakay hehehe. Takot ko lang 'no. Ayoko yung feeling na parang hinahalukay ang bituka ko haha. Saka di na para sa edad ko ang roller coaster. Ako kasi ay otsenta anyos na eh, matanda na para sumakay.
ReplyDeleteWell, I hope yugn mga ganung bagay won't get into you. Wag mo na lang pansinin yung mga nanghihingi ng pasalubong. Kasi kung ayaw mo naman sila pasalubungan, di ka naman nila mapipilit, di ba, iha? Yung mga nagjo-joke, wag na rin pansinin :)
Tama ka, ang buhay, parang roller coaster. Kaya kailangan, magkaroon ng time na maka-recover at maka-breathe in at breathe out right after every ride ;)
Good luck at ingat dyan sa ibang bayan. Ang Pilipinas ay naghihintay sa iyong muling paghalik sa lupa nito.
wow! ngayon lang ako nakareceive ng totoong comment. thank you. i've read some of your post. ganda ng blog mo. nangangarap din akong ireformat ang blog ko into photo or travel blog. ikaw ay isang inspirasyon. God bless.
ReplyDeleteNeng kung malapit lang ang Qatar at Al Ain, UAE aayain sana kita sa Hili Fun City, isang amusement park dito sa UAE. Alam mo bang dito lang ako nakasakay ng roller coaster? Whew! nahilo ako :))
ReplyDeleteTungkol sa pasalubong...nung unang uwi ko sa Pinas after 9 months, pinilit ko umuwi kasi recognition ng anak ko school. Dami nagpaparinig at nagbibiro. Of course, dahil baguhan pa lang sa mundo ng pagiging OFW, pinasalubungan ko lahat ng nagparinig. Ang siste neng may nasabi pa ang iba. I've learned my lesson, ngayon hindi na ako nagpapasalubong maliban sa Nanay ko at mga pamangkin. ANg ginagawa ko, pagdating naming mag-anak, naghahanda ako sa house at lahat sila eh iimbitahin sa isang salo-salo, yun na yun...no more, no less.
BTW, natuwa ako sa comment mo sa Tamabayan. Neng nurse (or nar-sisa :)) talaga ako, nagpipilit lang kumita ng extra kasi ang mahal magpaaral ng anak dito sa UAE.
Ingat lagi at wag pa-stress dahil sa pasalubong :)
On another note, ang word verification ko na nakalagay dito ay "ingelizi" na para bang ipinapaalala sa akin nag mag english daw ako hahahaha! sa Arabic kasi pag sinabing English, inglizi ang bigkas ng mga Arabo :))
another trulalu comment. happy ako. :D thanks ate/neng misalyn.
ReplyDelete