Sunday, April 8, 2012

lumelevel up na talaga

sanay ako na ako ang inaalagaan. kahit mahirap lang kami feeling ko talaga pampered ako noong bata pa ako. sa totoo nyan sobra ata ako nabeybi dahil lola at tita ko ang nagpalaki sa akin kaya may katigasan ang ulo ko. gusto ko ako lagi ang nasusunod.  maipagmamalaki ko naman na kahit kelan hindi ako naging sakit ng ulo sa family ko kasi iniisip ko rin naman ang magiging effect or mararamdaman nila sa mga desisyon ko. at masaya ako.  though, hindi ako naliligaw ng landas (sa palagay ko) hindi rin naman malinaw  kung ano nga ba ang buhay na tinatahak ko. ang lalim. hehe
hanggang dumating ako sa point ng buhay ko na kelangan ko magdecide para sa sarili ko.  ako naman. isipin ko naman ang future ko. kung ano ang gusto ko mangyari sa buhay ko, sa hinaharap. kung ano makakapagpasaya sa akin. kung sino ang gusto ko makasama.
eto na nga yun. hindi ako sanay na may nanghihingi ng opinion or approval ko at the same time meron na ibang tao na dapat iconsider sa mga actions ko. hindi ko ito naranasan sa mga unang relationships ko. ang sarap pala ng feeling... yung meron ka aalagaan at mag aalaga rin syo. ibang level na talaga. ready na ako!

Wednesday, March 28, 2012

constant shift

sometimes it's odd how things change from one thing to another. but that's how it supposed to be. parang mood ko lang.
been singing this since morning

tapos biglang
you bet it's about you!

Wednesday, March 21, 2012

feelingera

nangako ako sa sarili ko na kahit personal blog ito, hindi ako masyado magsusulat ng detalye dito tungkol sa buhay pag-ibig ko.  tulad ng dumadami kong sablay, eto ako sumisira sa aking pangako at handang magbuhos ng nararamdaman sa blog na ito. diba't kasama nga ito sa last post ko, na magpapakacool ako at hindi magiging praning?
akala ko kasi ok lang. bilang isang positibong tao lahat ng bagay para sa akin ay madali. madali lang maging masaya. madali ako tumanggap ng pagkakamali. madali ako magbigay ng pagpapatawad. lagi ako humahanap sa isip ko ng justification para maunawaan ang mga bagay na minsan mahirap talaga maintindihan.  madali para sa akin ang tanggapin na may mga bagay na hindi natin control at marunong ako tumanggap ng pagkatalo. positive pa ba yun?
talo, ganun ang nararamdaman ko ngayon.  ilang araw na ako lungkot lungkutan. ganitong ganito ang nararamdaman ko noon sampung taon na ang nakakalipas, sa parehong tao.  yung feeling na parang mas higit ang nararamdaman ko kaysa sa kanya at gusto ko pigilan. hindi naman ako mapaghanap na tao. madali nga lang ako mapasaya diba? pero ewan ko. hindi ko alam kung ano ang gusto ko ngayon. ako nga siguro ang may problema...  hindi pa tapos ang pagdadrama ko. magtrabaho muna ako. basta feel na feel ko ang song na ito:


Monday, March 19, 2012

i failed...

tulad ng inaasahan. hindi ko nagawa ang 30 days blogging challenge. gumawa pa talaga ako ng listahan sa planner ko ng mga topics na isusulat ko ha. ganun ba talaga ako kabusy? parang hindi naman. hehe madalas nga wala ako ginawa kundi magbrowse sa fb, makipagchat kay lovelife at gawin ang work ko in between. oo ganun nga isinisingit ko lang ang trabaho imbes na ipriority.
pero isa lang ang 30-day-challenge sa mga epic failures ko. eto ang listahan ng mga bagay na kelangan ko gawin at maaccomplish soon:

1. maperfect ang pinabutihang hipon (spicy, sweet & sour shrimp) para kay lovelife. dahil feeling ko napilitan lang syang ubusin dahil walang choice. wala ako stock ng food nung time na yun at malayo ang supermarket sa villa na tinitirhan ko.
2. magkaron ng driving license. pansamantala akong huminto sa driving lessons para pagbigyan ang mga meetings ng boss ko na trip nya itapat sa oras ng klase ko. sa totoo lang pwede ko naman imove ang schedule ko sa hapon. ayoko lang talaga. pinaiiral ko lang ang katigasan ng ulo ko dahil convenient sa akin ang dating schedule... transportation wise.
3.  palagyan ng wall paper ang isang side ng room ko para gumanda ng konti.
4.  itago/itapon ang mga hindi ginagamit na damit. summer na. kelangan ko na itago ang mga knitted clothes na pangwinter. marami na rin akong damit na naliitan na. aasa pa ba ako na papayat ako at magkakasya sila ulet sa akin?
5.  magbawas ng timbang. for years, issue na sa akin ang pagtaba. years ko na rin sinasabi na magpapayat ako pero hanggang ngayon eto lalo pa rin ako tumataba. diet! excercise!
6.  mag-ipon. promise napakahirap nito pero kelangan ko tong gawin.
7.  maging cool lang at wag masyadong emotional sa mga bagay bagay na hindi naman nareresolba sa pag iyak. in short, wag praning!
8. lagyan ng deadline ang mga goals 1-7 at sundin ito.

:)


Thursday, February 23, 2012

sweaty kili-kili

Eto ang simpleng pormahan kahapon. 1. H&M long sleeves blouse.  20QR ko lang nabili last month.  Sobrang loose ito kaya mukha syang dress. 2. Lumang black racer back tank top na ginawa kong panloob dahil masyado ata manipis ang blouse ko para sa malamig na panahon. Tama. Malamig talaga kahapon. At proteksyon na rin sa mga manyakis na mahilig umaninag sa katawan.  3.  Black skinny jeans na paborito ko kaya nangugupas na sa kakalaba. 4. Elastic headband na ginawa kong bracelet.  5.  Leather bracelet na nabili ko sa WAGW nung nagbakasyon ako sa Pinas.  6.  Black pearl na fake.  7.  H&M shoes na pinintahan ng kaibigan kong artist.  8.  Red purse na natanggap ko nung pasko.  Hawig lang sya ng Prada na nasa larawan pero yung bag ko Splash lang.
Feeling ko naman ang cool ng porma ko. Monochromatic lang tapos pulang bag at makulay na sapatos.   Nakakainis lang na kahit malamig ang panahon at cool ang suot ko nawet talaga ang kili kili ko after ng driving lesson.  Marahil sa tensyon.  Kelan ko kaya mamamaster ang pagliko at pag pasok sa round about.  Pang 3rd ko na today. Goodluck naman sa akin. Sana wag muna kami mag hi-way, sigurado pawisan na naman kili kili ko neto.

Sunday, February 12, 2012

my favorite websites

minabuti ko ng hindi gawan ng intro ang 30 day challenge ko sa pagboblog. pipilitin ko talaga maisingit ang pagsusulat sa unti unting pagiging busy ng schedule ko. sinimulan ko ito kahapon sa pagsulat ng updates about sa buhay ko. yun lang naman ang kaya ko isulat. nasabi ko bang personal blog ito? :D

day 2 - listahan ng mga pinakapaborito kong website

1.  snaps & blabs - isa itong family travel blog site. ang gaganda ng pictures at nakakatuwa ang simpleng paraan ng pagsulat ng blogger.  nagustuhan ko rin ang ilang idea dito about parenting kahit wala pa naman ako anak.   hindi ko na maalala kung paano ko nadiscover ang site na ito. pero na hooked talaga ako dahil isa sa mga pangarap ko ay ang makapagtravel, malibot ang buong mundo kung hindi naman masyadong ambisyoso yun. wala naman masamang mag ambisyon di ba? pero really kahit hindi na buong mundo kahit buong asia na lang at ilang part ng europe.

2.  an apple a day - personal photo blog ng isang florist. nakakaamaze ang mga flower arrangements nya.  she's an artist. ang galing pati mga photos. sana may ganung talent ako. inggitera lang...

3.  photoshoplady - collection ng mga links about photoshop tutorials, downloads at ibang may kinalaman sa graphic arts. para ito sa mga interesadong matuto sa photoshop. kung di lang sa katamaran ko, siguro kasing astig ko na rin ang mga nag-upload dito. weh?

4.  durham township - another photoblog. paminsan minsan ko lang nabibisita ang site na ito. pero super astig sa photography ng babaeng ito.

5.  pinterest - recently ko lang nakilala ang site ito mula sa kaibigan ko na mahilig sa fashion.  ipinakita nya sa akin ang mga hairstyles na gusto nya gawin ko sa hair nya. wow! collection naman ito ng iba't ibang images na interesting from all over the world. 

mahilig ako sa magagandang bagay. obyus na puro visual ang site na gusto ko. nakakaapreciate ako ng arts and photography. sana naging creative din ako.

just sharing!

Saturday, February 11, 2012

kisap mata

Parang kelan lang nag mamadali ako makagraduate. Gusto ko na agad magtrabaho, magakaron ng sariling pera, bumili ng mga bagay na gusto ko at makatulong sa pamilya. Naalala ko pa masaya kami ng mga kaibigan ko nang maging myembro ng SSS, Pag-ibig Fund at mag file ng income tax. Feeling adult na.  Isang mamayang nagbabayad ng buwis. May karapatan ng magreklamo. hehe

After 5 years na pagtatrabaho, natapos ang excitement na mapabilang sa real world. Bigla ko na lang naramdaman na parang walang nangyayari sa buhay ko. Sumusweldo ako pero wala pinatutunguhan ang pinaghihirapan ko.  Unti unti ako tinamad pumasok sa trabaho. Marahil hudyat na iyon para sumubok naman ako ng iba.  Ang bilis na lumipas ng panahon. Wala pa rin ako naaccomplished.  Nagsimula ako maghanap ng panibagong trabaho pero di ako pinalad na makakuha sa field na gusto ko subukan. Hanggang sa lumipat na lang ako ng ibang kumpanya na akala ko ay makabubuti para sa akin. Hay ewan ko, nastress lang ata ako dun. Pero ok na rin dahil nag iba ang environment ko at nagkaron ng new friends.  Di ako makapaniwala na tumagal ako ng mahigit 2 years doon buti na lang nagkaron ng opportunity na makapagwork sa ibang bansa.
Marami ako gusto makamit sa buhay ko bukod sa magkaron ng matinong trabaho.  Mga simpleng pangarap. Mga maliliit na bagay na gusto ko matutunan bago matapos ang oras ko sa mundo.  Isa na doon ang matutong magdrive at magkaron ng sariling kotse.  Noon plano ko maachieve yun bago ako mag 30. pero hindi ako nakaron ng pagkakataon.

At today almost 12 years na ako nagtatrabaho, wala pa rin masasabing achievement.  At 32, nag enroll ako kanina sa driving school.  Mahigit isang buwan din ako maglalaan ng oras para dito. Sana maipasa ko.  Tapos wish ko magkaron ng kotse. sports car. yung red!

konti na lang darating na si lovelife dito... ilang tulog na lang. mabilis lang yun!

Wednesday, February 1, 2012

gusto ko ng bago...

2008 nang una ako sumulat dito. nainspire lang ako sa mga blogs na nababasa ko noong hindi ako masyado busy sa work at ako lang ang may full access sa internet sa office namin. dala na rin siguro ng pagkabagot noon sa buhay ko, kaya eto... wala lang kwenta. parang nag aaksaya lang ng internetspace. personal blog naman ito kaya wala talagang mapapala sa pagbabasa. gusto ko lang maidokumento ang ilang pangyayari sa buhay ko na maaring makalimutan ko pagdating ng panahon. hindi ko naman akalain na tatagal ito ng mahigit 3 years. at dahil medyo naguguluhan na ako sa tema ng blog ko at gusto ko ng astig na blog, parang gusto ko ng bago. ung may laman. di bale nang napag iiwanan ng mga astig na blog dyan basta may kwento kahit na walang kwenta. hehehe
3 years pero parang di naman nag improve ang pagsusulat ko. hanggang ngayon alam kong napagiwanan pa rin ako ng mga blogs na sobrang expressive, malaman. ung minsan halos nararamdaman ko na yung feelings ng sumulat. ganun! talent nga siguro ang pagsulat at wala akong talent. :(

ang sarap pa rin ng root beer kahit malamig ang panahon. :)

Wednesday, January 18, 2012

indecent proposal

6pm patay na oras sa office. nagbabasa ako ng blogs (as usual kung hindi naglalaro ng tetris battle). may narinig akong ingay sa showroom na nasa ground floor nitong building namin. bumaba ako para tignan. isang babae at lalaki ang nadatnan ko na tila naliligaw lang. mukha silang chinese. round face, chinky eyes, maputi at hindi matangkad. tama, chinese nga sila. naghahanap daw ng appartment si babae kaya napadpad sa showroom namin. sakto! naghahanap din ako ng appartment at hindi ko kayang magbayad ng studio flat. kelangan ko ng kashare. wala naman problema sa akin if ibang lahi ang kasama/kashare ko. mukha naman syang mabait at malinis sa paningin ko. katunayan maganda sya at mukhang desente naman. ang importante sa akin malapit lang dito sa office para makakatipid ako. parang naexcite naman sya sa posibilidad na magshare kami sa appartment. pero nang malaman nya kung magkano budget ko 700-1,000QR/month, parang nagdalawang isip sya. hehehe. haller syempre hindi naman ako magaalot ng budget na malaki pa sa living allowance ng family ko sa Pilipinas.
tumahimik sya na para bang nag iisip. ramdam ko, kinoconsider nya ang pagkakaron ng pinay na roommate dahil ayon na rin sa kanya minsan na sya nagkaron ng kashare na pinay medyo hindi lang ata pasok yung budget ko. hindi naman nakakagulat yun kasi may kamahalan na talaga kahit bedspace lang dito. ang nakakagulat ay yung sunod na sinabi nya. "how about if i help you with some money?" huh?! ano raw? ano yun pauutangin ba nya ako? hehehe... pwede daw nya ako tulungan kumita ng extra para meron ako pambayad sa bahay at pambili ng luho ko. wow, interesting! ayos! gusto ko talaga kumita ng extra. kahit bawal mag part time alam ko meron din ako pwede maging raket na hindi makakaapekto sa work ko. so, inurirat ko sya. hay laking pagkadismaya ko sa paraan na alam nya... ibubugaw pala nya ako.
namarn! kung magpoprosti din lang ako, sana noon pa. noong hindi ko alam pano tutustusan ng parents ko ang pag aaral ko. noong bata pa ako, sariwa at malakas. baka marami maging kostumer. haha... pambihira! at eto pa, sabi nya inuubos ko lang daw ang oras ko sa pagtatrabaho para sa maliit na kita. mas malaki kaya kita ko sa kanya dahil mas malaki ang aking mata! mag-isip daw ako. ako pa ngayon ang hindi nag iisip. sabihin na natin na lamang sya dahil may sariling restaurant na daw sya sa china pero di ko kaya ang diskarte nya. di ko sya pwede ijudge sa paraan nya or nila. meron tyo kanya kanya paniniwala, values at diskarte sa buhay.
nakakatawa lang ang encounter ko sa chinese na ito na nagpaumanhin naman nung kalmante kong ni-refuse ang offer nya. sana daw ay hindi nya ako naoffend sa pagiging straightforward nya.
di na kailangan ang maraming paliwanag at lecture bakit ko tinanggihan ang offer nya di ba? pampahaba lang naman yun...kelangan ko lang talaga maidokumento ang pangyayaring ito.

Wednesday, January 4, 2012

bago pa rin

4 days na ang nakalipas sa 2012 at eto pa lang ang una kong entry. asan na ang panagako ko na sisipagan ko na magblog ng kahit ano? sabagay wala naman apektado kung hindi ako magpost tulad ng hindi naman ako masyado apektado kung walang nagbabasa ng blog ko pero ikatutuwa ko kung meron. hehe... di ko rin alam kung kelan ako mas sinisipag magsulat. pag nababagot, nalulungkot o pag masaya? basta kung kelan lang maisipan.

halos lahat ay nakagawa na ng listahan ng new year's resolution. ako, nagmumuni muni pa rin. marami ako naiisip gawin at baguhin sa sarili ko kasama ang pagdarasal na sana mapangatawanan ko, this time. syempre hindi mawawala sa listahan ko ang pagpapapayat.

2011. maraming mga pangyayari. magaganda at masasalimuot na karanasan. eto ang pinakaemosyonal na taon para sa akin. homesickness ba o ganun talaga pag tumatanda na?  parang ang dami dami ko drama sa buhay. di naman ako mayaman pero meron ako nasagasaan. wow, para namang sobra ako sa kasamaan nun. di naman ako kagandahan pero meron pa rin ako nasaktan. O.A. lang...  ito ang taon na nakapagbakasyon ako sa Pilipinas matapos ang mahigit dalawang taon. naging masaya ako.  ang taon na apat na beses ako lumipat ng tirahan. kung nakakapagsalita lang ang mga gamit ko, malamang nagreklamo na sila sa pagod twing iimpake ko sila at iaayos muli. hay mga gamit ko, "sorry but we're moving again!"

walang malinaw na tinutungo ang post na ito. ipinagpapasalamat ko ang mga taong kasama ko sa nakaraang taon. ang aking pamilya at mga kaibigan. kayo pa rin ang gusto ko kasama sa 2012 at sa mga susunod pa.  lalo na ang kalovelife ko. hindi pa naman siguro huli para mafinalize ko ang aking list at pwede pa bumati ng happy new year!