Wednesday, January 4, 2012

bago pa rin

4 days na ang nakalipas sa 2012 at eto pa lang ang una kong entry. asan na ang panagako ko na sisipagan ko na magblog ng kahit ano? sabagay wala naman apektado kung hindi ako magpost tulad ng hindi naman ako masyado apektado kung walang nagbabasa ng blog ko pero ikatutuwa ko kung meron. hehe... di ko rin alam kung kelan ako mas sinisipag magsulat. pag nababagot, nalulungkot o pag masaya? basta kung kelan lang maisipan.

halos lahat ay nakagawa na ng listahan ng new year's resolution. ako, nagmumuni muni pa rin. marami ako naiisip gawin at baguhin sa sarili ko kasama ang pagdarasal na sana mapangatawanan ko, this time. syempre hindi mawawala sa listahan ko ang pagpapapayat.

2011. maraming mga pangyayari. magaganda at masasalimuot na karanasan. eto ang pinakaemosyonal na taon para sa akin. homesickness ba o ganun talaga pag tumatanda na?  parang ang dami dami ko drama sa buhay. di naman ako mayaman pero meron ako nasagasaan. wow, para namang sobra ako sa kasamaan nun. di naman ako kagandahan pero meron pa rin ako nasaktan. O.A. lang...  ito ang taon na nakapagbakasyon ako sa Pilipinas matapos ang mahigit dalawang taon. naging masaya ako.  ang taon na apat na beses ako lumipat ng tirahan. kung nakakapagsalita lang ang mga gamit ko, malamang nagreklamo na sila sa pagod twing iimpake ko sila at iaayos muli. hay mga gamit ko, "sorry but we're moving again!"

walang malinaw na tinutungo ang post na ito. ipinagpapasalamat ko ang mga taong kasama ko sa nakaraang taon. ang aking pamilya at mga kaibigan. kayo pa rin ang gusto ko kasama sa 2012 at sa mga susunod pa.  lalo na ang kalovelife ko. hindi pa naman siguro huli para mafinalize ko ang aking list at pwede pa bumati ng happy new year!

1 comment:

  1. Happy New Year! Ako nga wala pang entry para sa 2012 e. Hehe! Medyo nakakatamad kasi. Haha!

    ReplyDelete