Sunday, April 17, 2011
roller coaster
isang katotohanan ang sasahibin ko ngayon... di pa ako nakasakay sa roller coaster! hindi ako masyado mahilig sa mga amusement parks. taga laguna ako pero di pa ako nakarating ng enchanted kingdom. hanggang peryahan sa fiesta lang ako nung bata pa ako. sa pagkakatanda ko naejoy ko naman yun nung bata pa ako. pero di tungkol dun ang kwento ko ngayon. nitong nakaraang mga araw or linggo naiistress talaga ang beauty ko. nung una excited ako na finally two years na ako dito at pwede na ako magbakasyon sa pinas. wow sarap! sana ganun lang kadali un. hindi naging madali sa akin ang lahat ng mapunta ako dito sa qatar. marami akong pinagdaanang pagsubok dito at masaya akong sabihin na nalagpasan ko naman. marahil yun ang buhay abroad. so ang pagkakataong makauwi ay matagal ko ng hinihintay. bkit ako nastress? dami naghihingi ng pasalubong. marami nagtatanong if marami na ako ipon. kahit joke lang un nakakastress pa rin! dumagdag pa ung situation ko sa work at sa house. pero tulad ng lahat ng pagsubok, these too shall pass. so bakit roller coaster ang title? wala lang... para kasing buhay ko taas, baba with matching ikot ikot. nakakahilo. masalimuot. exciting. at the end of the day, masarap kumain ng ice cream para makalma! :)
Thursday, April 14, 2011
Di Ako Nagmamadali
Malamya, mahinhin at mabagal. Ganyan ako idescribe nung bata pa ako. Lagi ako napapagalitan ng tita at lola ko dahil sa kabagalan ko kumilos. Para daw akong pagong. Yun din siguro dahilan kung bakit saling pusa lang ako sa mga laro noon. Hindi ako sporty at competitive. Sabi ng iba pag nagpatuloy ako sa ganong kilos walang mangyayari sa buhay ko. Lagi ako mapagiiwanan. Di ko naman alam kung tama nga sila pero wala ako paki alam noon. Di ko naman nararamdaman na kelangan ko magmadali. Pag gising ko sa umaga nakahanda na agahan, baon at isusuot ko sa pagpasok. Sarili ko lang iniintindi ko. Ganun cguro pag bata wala iniisip kundi kumain, pumasok sa school, maglaro at maglaro pa ulit. Bakit ako magmamadali? Enjoy lang! Hanggang lumaki ako at nag high school mabagal pa rin ako. Ang mga bagay ay ginagawa ko sa aking own sweet time. Gumagawa ako ng project pag malapit na pasahan. Gumigising lang ng maaga kapag may pupuntahan kami at ayokong maiwan. Mabagal pa rin ako. Ang kaibahan lang... marunong na ako magdahilan. Pag nagmadali ako, baka meron ako makalimutan. Pag nagmadali ako, baka lumabas na di maganda ang resulta kaysa sa inaasahan. Mga dahilan ng mga taong basta na lang makapagdahilan. :) Pinag iisipan ko muna bago ako magdesisyon at umaksyon. Mali ba yun? College. Biglang naisip ko kelangan ko na magmadali. Gusto ko na agad makapagtapos at makapagtrabaho. Kinuha ko ang kursong sa palagay ko ay in-demand nang mga panahong iyon pare sure na magkatrabaho agad. Hindi ko rin naman sineryoso ang pag aaral basta alam ko makakatapos ako sa loob ng apat na taon. Nang makapagtapos ako masuwerte naman at nakahanap ako ng trabaho (kung san ako nag OJT hehe). Siguro masyado ako nag enjoy (dun ko nameet ang una ko bf. yun "yun" eh!) at hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon. Hanggang tinamaan na rin ako ng pagkainip. Naisip ko "Tumatanda ako ng hindi ako umaasenso. Eto na ba yung sinasabi nilang mapag iiwanan ako?" Kaya nag hanap ako ng ibang trabaho. Wala lang, para maiba lang. Nagkaron ako ng steady-ng relasyon. Steady sa paraang kuntento na kami na masaya kami, nagmamahalan at nagkakasundo. Steady sa paraang gusto namin kami na sa future. Di namin minadali ang lahat. Di ko rin naman naramdaman na kelangan na namin magpakasal kahit limang taon na kami mag-ON. Pakiramdam ko bata pa ako at di kelangan magmadali. Mas gusto kong makapag handaan namin ang future. Ayokong matulad sa iba na masyadong nagmadali tapos naghihirap sa buhay. Ayokong magmadali para magsisi lang pagdating ng panahon dahil hindi ko naenjoy ang aking kabataan. Kaya ng magkaron ng oportunidad sa abroad, umalis ako sa pag asang maghihintay si jowa pero nagkamali ako. Nainip sya. Naghanap ng iba. Ni let go ko na lang dahil sa lahat ng bagay dun lang ako mabilis... ang mag let go!
At ngayon, alam kong hindi na ako bumabata pero di pa rin ako matanda noh! Tinutukso ng mga dati kong kaklase na magmadali para makahabol sa byahe. Aba klasmeyst di lahat bagay sa mundo ay umiikot lang sa pag aasawa at pagkakaron ng pamilya. Di ko sinabing ayokong magkaron ng sariling pamilya. Kaso hindi pa ako handa. Chos! Hindi pa rin ako mayaman pero di ko iniisip na ako'y napag iiwanan. Lahat ng bagay ay may nakatakdang oras. Yan ang paniniwala ko. Kaya yung mga naiinip dyan, well... di ako nagmamadali!
Subscribe to:
Posts (Atom)