Sunday, December 30, 2012

Day 30: what you learned from this month

lahat ay nagsisimula sa willingness na subukan
basta may guide
kahit walang kwenta
sulat lang ng sulat
scheduling post really works lalo na pag busy the following day
hindi pala ako masyadong tamad tulad ng pagkakilala ko sa sarili ko
kaya ko rin pala maging dedicated
kailangan ko magbasa lagi
at humanap ng iba pang libangan na may katuturan
marami pa ako dapat/pwede matutunan...
hanggang dito na lang. tinatamad na ako. :)

welcome 2013!

Saturday, December 29, 2012

Day 29: things you're looking forward to next month

Wow! malapit na matapos ang challenge at malapit na rin matapos ang 2012. time to look forward to more great things in 2013, that would be in 3 days. another month. another year!

next month i'm gonna...
 start a healthier diet
 try any of these spring 2013 hair trends
write on my new planner!

syempre hindi ko pwede kalimutan yung hinihintay kong new phone. :)

 images 2 from pinterest

Friday, December 28, 2012

Day 28: dear someone

(Write a letter to someone you've never talked to in a long time.)

    almost four years na tayong hindi nagkikita at more than a year na walang communication. maraming means pero wala ni isa sa atin ang magreach out. nakakalungkot na umabot tyo sa ganito. alam ko marami ka pinagdaan habang wala ako pero it was never my intention na iwan ka sa ere.  nagkataon lang na i went through some tough times din.  mahirap, na hindi ko kayang maging isang mabuting kaibigan dahil sa mga pinagdadaanan ko.  hindi ko sinasabi ito para mag excuse. i admit na may pagkukulang ako.  nung makabawi ako, narealized ko na lang na blocked mo na pala ako sa facebook mo. nakakagulat at higit sa lahat masakit yun.
     nasaktan ako dahil mahalaga sa akin ang friendship natin.  sobrang mahaba ang pinagsamahan natin na mula pa noong college tayo.  everyday tayo magkasama sa klase at tambayan.  madalas tyo magkasama sa mga sleep overs, swimming, food trip, pagsimba, shopping at marami pang iba.  naalala ko na ginagawan mo ako ng assignment sa math pag absent ako. one time naman nagpalit tayo nag test papers para ipagdrawing kita ng network topology sa final exams natin.  marami tayong good crazy times. nakakamiss.
     alam kong matigas ka. hinding hindi ka mauna gumawa ng paraan at maari din na hindi mo na gusto makausap pa ako. minabuti kong tumahimik at wag muna mag reach out syo pero i am really hoping na someday makapag-usap din tyo and patch things up... someday. kung kelan ready na tyo.
     sa ngayon, i really wish you well.  sana mawala na rin ang galit mo sa akin at sa dalawa pa nating kaibigan.  nakakasad na baka hindi na ako ever makilala ni baby girl mo na tyo pang dalawa ang umisip ng name nya.  sana lagi kayong ok. God bless.


Thursday, December 27, 2012

Day 27: something that inspires you

a person who has been doing bad things drained my energy and i am not able to think as i write this.  so inspiring di ba! hehe

image from pinterest.

Wednesday, December 26, 2012

Day 26: favorite quotes

here are some of my favorite quotes that i try to live by.  mostly about positive attitude, not giving up, keeping the faith and enjoying life! 








images are from pinterest.

Tuesday, December 25, 2012

Day 25: i follow them

(Recommend a few bloggers and write why you recommend them)

I have stumbled upon a lot of great blogs which some I've been following and some I've kept in my bookmark.

Snaps & Blabs is always 1st on my list for reliable travel tips with amazing photos.
An Apple a Day for it's drool worthy flower arrangements.
Daphe is so informative and versatile blogger.  She writes about product review, fashion, latest technology, parenting, good housekeeping, architecture and a lot more.  I like how she shares family and personal matters with caution.

Basically I'm recommending all those bloggers in my blog list specially the ones with constant updates.

I'm keeping this post short. You know it's Christmas.

Though I/we didn't do anything special, still I'm the happiest! Merry Christmas! :D

Monday, December 24, 2012

Day 24: my view

When you look outside, step outside your front door of the house, what do you see? (picture)

i've been meaning to take good pictures of my view outside our house pero wala na talaga magagawa. hahaha bukod sa low end camera phone lang ang gamit ko at late ako nagising kanina dahil puyat ako for the last 9 days (would you believe nakompleto ko ang simbang gabi? congrats sa akin!) ay wala na siguro igaganda pa ang lugar kung saan ako nakatira. talaga!
ang gate from the inside view. katapat ng pinto kung saan ako nakatayo habang kumukuha ng picture.
bandang kanan... oh diba parang pinas lang uso ang basketball half court sa loob ng bakuran. meron din sampayan ng damit.
 
paglabas ng gate.
 left side.
right side.

sobrang iba ito sa lugar na kinalakihan ko sa laguna kung saan mga halaman sa bakuran namin tapos tricycle, iba't ibang uri ng sasakyan sa maliit na kalsada, mga taong naglalakad, mga kabataang nakatambay sa tindahan or sa harap ng gate, kabi kabilang sarisari store ang agad kong makikita paglabas ng bahay. hay nakakamiss ang ganung eksena lalo na sa ganitong panahon. naiimagine ko na masaya na ngayon doon habang busy ang lahat sa pagpeprepare ng pang noche buena mamayang gabi. i'm sure meron na rin naglabas ng sound system or videoke sa gilid ng kalsada para sa party. :(

naappreciate ko na malinis at tahimik ang lugar na ito pero napakadull para sa isang tulad ko. 
ganito ang eksena kahapon ng hapon bago ako pumasok sa trabaho. i suspect ganito rin sya mamaya.

sya nga pala nappreciate ko rin ang mga puno na kahit pano ay nagbibigay kulay sa paligid. luckilly marami sila sa lugar na ito ng disyerto na sadyang pinayayabong para hindi masilip kung anong meron sa loob ng bakuran ng mga lokal dito. next time kukunan ko picture ang mansion sa loob ng bakuran na yan. hehe

Merry Christmas!



Sunday, December 23, 2012

Day 23: sites i use

eversince nagwork ako in 2000 lagi ako may internet access sa office at tinake advantage ko talaga lalo na nung marami akong free time bilang network admin. noong una chatting and browsing lang then i started signing up sa social networking site uso pa noon ang friendster in 2003 kung saan una akong nagblog in 2005 na kahit paminsan minsan lang eh tumagal din hanggang 2010 at 2011 nung tuluyan mawala ang friendster sinubukan kong ilipat sa wordpress pero nagdecide akong idelete na lang dahil sa kabitteran. hehe i learned about blogging sa lifestyle section ng philippine star (a newspaper) kung saan feature nila si lauren dado  na blogger since 1996? ang galing diba? hindi naman talaga ako mahilig magsulat pero tingin ko sa mga writers ay cool! hehe so nakigaya ako. then gumawa ako ng bago sa blogger noong october 22, 2008. mas nauna pala ang facebook  ko noong october 23, 2007 pero hindi active until makalipat ako dito sa qatar in 2009. the same year din ang twitter ko then followed by blip.fmtumblr, wordpress, pinterest and instagram na pare parehong minsan ko lang maupdate.  meron din akong mga forums na sinalihan pero visit ko lang sila pag may specific topic akong hinahanap. bukod pa dito yung mga sites na pwede maaccess kahit hindi magpamember. haha! am i such an internet slave? :)

Saturday, December 22, 2012

Day 22: i am wearing what?

(a picture of what you wore today)

lazy day ang sabado para sa akin bilang ito ang unang araw ng work week sa dakong ito ng mundo. usual na suot ko lang ay denim jeans, t-shirt or polo shirt at sneakers or flats.  pormahang hindi pang career.  wala naman kasing dress code or uniform dito sa office namin kaya sa tingin ko ayos lang ang ganitong porma lalo pa at wala naman ang boss pag sabado bukod pa sa fact na arts ang industry ng company na pinagtatrabahuhan ko, so i think cool lang ang ganito.  sa totoo lang eto sana ang pagkakataon na magsuot ako ng fashionable or edgy or artist like na get up pero di nga ako ganun diba? may mga pagkakataon na nagsusuot ako ng corporate attire or business casual kadalasan pag may meeting sa labas or pag alam ko na may bisita kaming darating. hehe
with that saying, di na ako nagpictorial for this post kahit iyun ang hinihingi ng challenge. tinamad na naman kc ako mag ayos ng sarili ko.  may kinalaman din siguro ito sa biglang pagbabago ng mood ko kagabi at nadala ko pa rin kanina pag gising ko. kaya eto naka faded jeans pa rin ako, white cotton top, brown knitted cardigan at ang sobrang komportableng mustard loafer ko na binili ko nung red tag opening mga two weeks ago.
"i'm never gonna be good enough for you, am i?" :(

Friday, December 21, 2012

Day 21: what do you look for in a guy

hmmm... parang pang PBB teens na naman ang isang ito.  hehe

subukan ko kayang magsagot na lang ng survey at magpanggap na bagay pa sa akin ang mga ganitong topic.. let's go!

1.  Dapat ba gwapo?
- yung sakto lang na hindi ako mainsecure na mas maganda pa face nya sa akin. hahaha
2.  Matalino?
- Yung maraming alam. meron ako matutunan from him :)
3.  Preferred age?
- at least 1 year younger or 3 years older. ganung bracket lang. hehe
4.  Preffered height?
- matangkad definitely! :)
5.  How about sense of humor?
- importante sa akin yung napapatawa ako.
6.  Accepts you for who you are?
- sino ba ang may ayaw? :)
7.  Moreno or chinito or mestizo?
-  moreno
8.  Long hair or short hair?
- kalbo! ahahaha
9.  Smells good?
- Sino ba may gusto ng mabaho? :D
10. Smoker?
- ok lang basta moderate lang.
11.  Drinker?
- lalong ok lang. one on one pa kami. pero may limit pagdating dito. ahahaha
12.  Musically inclined?
- oo!
13.  Sings very good?
- oo or basta hindi masakit sa tenga.
14.  Vain.
- wag naman :)
15.  With glasses?
- ayaw.
16.  With braces?
- cute.
17.  With dimples?
- mas cute.
18.  Makulit?
-  oo! :)
19.  Flirt?
- Ayoko ng malandi. mahirap yun. ahahaha
20.  Serious?
- sa mga dapat seryosohin syempre!
21.  Campus crush?
- ayoko ng madami kaagaw. insecure nga ako diba? ahahaha
22. Painter?
- No comment.
23.  Religious?
- may takot sa Diyos at pwede ko maisama sa pagsimba. :)
24.  Alaskador?
- aww! pikon pa naman ako. :)
25.  Loyal or faithful?
- pareho!

" No matter what standards we set for our ideal lover, the fact always remain that the person we fell in love with will always be an EXCEPTION." -quoted