Saturday, July 26, 2014

My Happy List

To stay committed to "staying positive", I'm writing my happy list.

1. Purchasing Foundation and Mascara on sale
2. Going to the beach with cousins and their kids
3.  Finding out that it's not that humid anymore (looking forward to colder weather)
4.  Ice Cream
5.  New Hobo Bag
6.  Watching Hart of Dixie
7.  Sleeping for more than 8 hours
8.  Faster internet connection
9. Chatting with my besties
10. Designing my brand logo for my future business
11.  Granny smith apples
12.  Moroccan Bath

Saturday, July 19, 2014

push this

exactly!

14 Ways To Get What You Want Out Of Life

never settle for less than you deserve.

Wednesday, March 12, 2014

lubos na umaasa

napakarecent ng pitcures na ito, like... last night!  i know it's disgusting and sobrang nakakahiya.  i wanna hide these pictures. i should hide them but no i'm showing them. libre lait!  not that i'm proud of these pictures. in fact disgusted and hiyang hiya ako sa pictures ko na ito.  nakakainis na nakakaiyak na kakalungkot na almost depressing na talaga.  at 67kg, i'm at my heaviest weight by far.

kachat ko kahapon ang isang kaibigan kong undin at namention ko ang aking katabaan. sabi ng undin "wow. good. happy for you".  ??? confused. parang gusto ko sumigaw "mabigat un! ideal for me is 53kg lang" (actually 50kg lang dapat pero target ko is 53kg dahil... gusto ko lang.)
"kaya mo yan. you can say your weight. it means you can manage"... hmm ganun ba yun? nasasabi ko ang weight ko kasi i can't deny na, kasi it's obvious naman.  tama. accepted ko na meron problema sa weight, hitsura at health ko.  kailangan ko ng willingness and determination to solve this problem.  ang pinakamahirap, commitment. sa totoo lang, kanina niyaya ako ng isa pang kaibigan kumain ng pizza for lunch. so tempting! she tried to convince me but when i showed her these same pictures, shocked ang ateh! hindi na nya ako pinilit. hehe

isang barefoot runner and blogger friend naman ang nagremind sa akin about proper diet and exercise. naniniwala ako sa kanya hindi lang base sa mga nababasa at napapanood ko at dahil na rin sa nakita kong pagbabago sa kanya.  epektib!  so i don't have to feel guilty na kumain ako ng chicken adobo.  energy, kailangan ko yun! i'm not planning to starve myself.  kakain pa rin ako ng heavy breakfast, lighter but nutritious lunch at fruits for dinner.  ayoko ideprive ang sarili ko sa mga favorites ko. pero in moderation na lang talaga. i'll say goodbye to sodas.

as i'm writing this post, i'm prepping up for our workout challenge later after work.  hindi pa ito success story, otherwise "before & after" sana ang collage.  this is my journey to healthier life and i sure have a long way to go! hehe

hey kaya ko ito!

next time ko na lang ipakita yung body measures namin ng workout buddy ko. most shocking!

Saturday, February 8, 2014

pangalawang ama


4am nagising ako sa isang malungkot na balita...
  
pagkabasa ko ng pm ni rea, “Flo wala na si tatay ni rhonz”, natulala ako.  bumangon ako sa pagkakahiga at umupo.  binasa ko ulet “Flo wala na si tatay ni rhonz”  hindi ako naalimpungatan lang… tuluyan nawala ang antok ko.  tinanong ko anong nangyari.  habang wala syang reply, isa isang bumalik ang mga alaala ni tatay ben.  napaluha ako.  hindi ko kayang tumawag kay rhonz nang mga sandaling iyon.  hindi ko kayang magbigay ng lakas ng loob habang umiiyak.  hindi ko alam ano ang pwede kong sabihin sa kanya na hindi lalong ikadudurog ng puso nya habang pinagdadaanan ang sakit ng nakakabiglang pagkawala ng itay nya. 

si tatay ben.  mapagmahal na asawa kay Nanay Lina.  mabuting ama sa kanyang mga anak at manugang. mapag arugang lolo sa kanyang mga apo.  masayahin.  makulit. maalalahanin. masarap magluto. 1996, college days ko sya nakilala. madalas kaming magpractice ng sayaw sa bahay nila bilang kagrupo ko ang anak nya, si rhonz,  sa school activities na nauwi sa pagkakaibigan.  masasabi kong malaki ang naging bahagi ni itay kung bakit magkakaibigan pa rin kami hanggang ngayon.  naging tambayan namin ang bahay nila na laging bukas para sa amin hanggang makagraduate kami at magkaron ng trabaho.  itinuring nya kaming parang mga tunay na anak.  “ang aking si florie” ang tawag nya sa akin.  magutom na lahat wag lang “ang aking si florie”, yun ang sinisiguro nya.  mula sa pagsuporta nya noon sa mga gusto namin gawin at puntahan bilang mga nagpupumilit maging grown ups at pagpapaalala na kelangan pa rin namin ang patnubay ng aming mga magulang.  alam kong proud sya sa aming magkakaibigan kung paanong proud sya sa dalawang tunay nyang mga anak.

hindi ko pa rin tinatawagan si rhonz.  sa pag uusap namin sa chat naiiyak na ako.

hay mamimiss ko ang itay ben… ang mga paalala twing gagala kaming magkakaibigan. ang mga handa nila ni nanay na pagkain twing dadating kami. ang mga jokes nya.  malalakas na halakhak.  ala eh! ang punto nyang hindi maipagkakaila, di ga?

nakakalungkot na hindi kita makikita at maihatid sa huling hantungan.  saludo ako sa iyo. salamat itay sa lahat.  paalam.

+RIP tatay Ruben Terrenal

Tuesday, January 14, 2014

moon

while everyone in the Philippines is gushing over the moon last night... lunar rainbow daw,


to you who i haven't met, relax ka lang muna tinatawag ako ng tropa para kumain ng pansit. bye. see you soon. :)

Friday, January 10, 2014

remember sunday

i’ve spent a lot of time waiting for things in my life and maybe i even blame a few people for my problems and forgot that i was the one in charge but that’s all done and i’m ready to take control of things in my life.... - molly


just in time naman ang panonood ko ng movie na ito (remember sunday) sa naiisip kong isulat.  nainspire ako ng very light kay molly, alexis bledel.  i'm tired of waiting.  i need changes.  tulad ng paulit ulit ko sinasabi i don't have new year's resolution.  i believe that one shouldn't need to wait for new year to change something in their life.  do it when you feel like it and be very committed to it. the thing with new years resolutions, nagagawa lang sila hanggat bago pa ang taon... like january or february at the most... that's why i prefer goal setting so i have the whole year to plan and do my goals for the year... hehe

here's my list of things i wanna achieve for this year. in no particular order.

1.  get a tattoo. done. check!
2.  open a new savings account and REALLY save every month
3.  get a new job
4.  pay debts and loans
5.  get into sport or physical activities, lose about 15 pounds and maintain a 54kg weight
6.  learn a new application, 3D max
7.  buy dslr
8.  travel on holidays
9.  blog at least weekly
10.  start the house improvement project




Wednesday, January 1, 2014

daring 2014

2013 has been a great year for me.  more than material things, i've been blessed with the best people in the world.  i was able to spend some time with my family back home which i really enjoyed.  i've gained a few more friends.  i am thankful to our Lord for all of them, my family, real friends and even those who have hurt me.  through them i've learned more about life.  2013 has been tough too but not bad, not at all.  trials are part of this journey. true enough they could either break you or make you stronger.  they have tested my patience, courage and faith... and once again, proven that things could only get better, i could be better!  God is always on my side.


2014 bring it on!




Tuesday, December 17, 2013

day 2 simbang gabi: purple lips

whooooa after a long while, i'm back! back to... well, wasting internet space.  i've been thinking a lot lately.  this could be another turning point in my life and i'm feeling positive about it!  i mean, this is it pansit! eto yung right time.  things have been crazy these past few months but i wanna use it to my advantage.  i don't entertain negative thoughts.  and it's such a relief to be free from negative people.  sooo thankful to be supported by people who really matter to me.  God has blessed me with the best family and friends in the whole world!

that's it for now.  i can't go through all the details yet but i promise to post more about my new hmmm adventure that i've been planning during the holy mass. antok na.



next time ko na ipost yung vacation ko sa pinas (yes, natuloy yun!), story ni canada boy at yung short visit sa abu dhabi.

Saturday, June 15, 2013

kalaghatian ng buwan

whoa, june 15 na. two weeks na lang july na. sa mga panahong ito dapat excited na ako at nag kacountdown sabay ipopost sa facebook. sa mga panahong ito dapat nakaready na ang mga dadalhin ko pag uwi, mga pasalubong sa family at friends ko na matagal na naghihintay ng aking pag uwi.  though nasabi ko na sa mga lagi ko nakakausap kung ano ang situation, kahit ako hindi na rin sigurado sa status ng pag uwi ko.

i need a break!

wala pa ako kahit anong preparation.  walang ticket. walang pasalubong (meron pala konti). walang budget. walang exit permit. isa lang ang meron ako. pag-asa! ahahaha

makakapag-vacation ako, tiwala lang!

Wednesday, May 29, 2013

it's all about me now

pagod ako physically. as in nararamdaman kong masakit ang katawan ko at mahapdi ang mga mata ko.  pagod ako sa trabaho, gawaing bahay at gala.  

as much as possible ayoko muna mag isip ng kung anu ano. ayoko na ulet mastress ng dahil sa vacation na yan.  uwing uwi na ako kaya gusto ko mailagay sa ayos ang lahat bago ang target date ng vacation ko.  ah basta kelangan ko magpakabibo sa mga susunod na araw para matapos lahat ng worries at maging happy ang vacation ko.  sana lang makakuha agad ako ng pwede kong maging reliever.

kasama sa kapaguran ko lately ang sunud sunod kong pag abuso sa wallet ko. hindi para bumili ng mga pasalubong, kundi para bigyan ng reward and sarili ko.  mga maliliit na bagay lang naman sa ikinasasaya ng simpleng babaeng katulad ko.  hehe

kani kanina lang meron ako narealize... hindi pa ako ready.  tinalikuran/itinaboy ko ang isang posibilidad. bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya pero hindi panghihinayang.  gusto ko pa ang status ko ngayon... malaya. masaya.  marami siguro ang magtataas kilay pero yun ang totoo. hindi sa takot na akong magtiwala.  hindi sa takot na akong sumugal.  alam ko lang sa sarili ko na hindi pa nga ako handa at magiging unfair lang ako kung gagamitin ko ang ibang tao para lang maipakita na hindi ako nag iisa. basta...

ako muna!  :)